Alixane POV Ngayon ang araw ng kasal namin ni Brian. Dapat magbe-beauty rest ako kagabi ngunit dahil sa sobrang excited hindi na ako gaanong nakatulog pero ayos lang dahil kaya namang takpan ng concealer ang nangingitim kong eyebag saka sigurado naman ako maganda pa rin ako sa paningin niya. Hangang balikat pa lang ang buhok ko kaya nilagyan nila ng hair extension ang buhok ko para mas maganda ang kakalabasan ng make-up ko pinili ko. Halatang magaling ang make-up artist na nag make-up sa akin dahil kuhang-kuha niya ang gusto kong ayos sa araw na ito. Bumagay ang smokey eye make-up ko sa red lipstick ko. First time kong mag make-up ng ganito. Sobrang daming proseso. Nakakangalay at nakakaantok. Halos tatlong oras ata akong nag-antay kaya hindi ko namalayan tapos na nilang ayusan ang wate

