Alixane POV Mabilis kong sinuot ulit ang hoddy jacket. Dahan-dahan akong naglakad palabas sa room para hindi lumikha ng ingay. Nagawa kong makalabas ng hindi nagigising si Brian. Dahan-dahan lang ang aking paghakbang patungo sa exit sa likod na hagdan dala ko ang maliit na flash light na binubuksan ko lang pag wala talaga akong makita dahil sa dilim. Sinundan ko ang daan na dinaanan namin kanina. Maayos naman akong nakatawid sa pader may kaunting kirot parin pero kaya ko naman. Pagkarating ko sa pasilyo pa-akyat sa office ni Gustavo ay bigla akong napatago sa likod ng pader. Dahil muntik ko ng makasalubong ang mga nagrorondang guard sa paligid ng office ni Gustavo. Mga dalawang minuto din ang nakalipas nang wala na akong naririnig na ingay. Kaya dahan-dahan akong naglakad papasok sa opis

