Alixane POV Mabilis na lumipas ang isang linggo. Nakalabas na kami ng hospital ni Brian. Nalaman ko mula kay Raul na umalis na ng bansa si Nathan, matapos mailibing ang kanyang ama para puntahan ang Ina nito sa ibang bansa. Hindi man lang siya nag-paalam sa akin pero mabuti na rin yun dahil baka tuluyan na silang mag-away ni Brian. Pinaghandaan na namin ang paglilibing kay Paps sa tabi ng himlayan ng aking mga magulang nararapat lang siyang bigyan ng maayos na libing at may pagalang dahil sa naging ambag niya hindi lang sa bansa kundi pati na rin sa pagpapanatili niyang tapat sa kanyang huling buhay. Maraming nakiramay sa amin. Maraming nalungkot sa pagkawala ni Paps. Ganoon talaga siguro kapag nawawala na ang isang tao. Mas marami ang magpapakita ng pagmamahal, naging strikto si Paps s

