Alixane POV Nang magharap-harap na kaming team ay nakatitig lang si Brian sa akin. Palagay ko ay nag-aalala pa rin siya sa kalagayan ko kaya nginitian ko na lamang siya. Bumaling ang tingin niya kay Nathan na nasa tabi ko. Pakiramdam ko may kuryenteng nagkokonecta sa bawat tingin nilang dalawa. Nang pumasok na ang referee ay naghanda na kaming lahat. Tumalon ang dalawang team leader para saluhin ang bola pero mas naagaw ni Nathan ang ball kaya napunta sa amin ang bola. Mabilis tumakbo ang team namin habang ako naman ay nasa likuran lang at muntanga na hindi alam ang gagawin. Kahit nga ata dribbol di ako marunong. Jusmiyo! Nagulat ako nang mapunta sa akin ang bola pero mabilis ko yung nailagan. Mabuti na lamang at sanay akong umilag sa bala kung hindi baka nasapol na yung mukha ko.

