35th Sale [Sydney’s POV] “Ready na ba ang lahat?” Tanong ni papa habang pasakay kami sa SUV namin. Hapon na at kasabay na namin si Gerome, ang sabi kasi ni papa ay wag na syang mag abalang dalhin ang sasakyan nya. “Ready na, pa. Wag kang mag-alala, wala na kaming naiwan.” Sagot naman ni Ate Lorraine. Sa parking lot ng building namin ang tagpuan. Overnight. 3 days and 2 nights kaya naman medyo madami kaming dalang gamit. “Well, that’s good. Pano? Tara na?” Umandar ang sasakyan kasabay ng pagsinghap ko. Katabi ko si Dave sa kanan at si Gerome naman sa kaliwa. Nasa likod kami ng sasakyan at sina Ate Lorraine naman ang nasa may bandang pinto, katabi nya si Ate Kath. Si papa at mama naman ay nasa front seat. Gusto kong tanungin si Gerome kung bakit hindi sila magkatabi

