28th Sale [Sydney’s POV] “Grabe Sydney, ilang oras na ko sa’yong naghihintay dito sa labas ng pinto mo.” Tsss. Napaka-reklamador naman ng isang to. Buti nga’t pumayag ako sa alok nya kahapon na magdate kami ngayon. Matagal tagal na rin naman bago yung huling date na nangyari sa’min ng kaming dalawa lang. “Teka lang kasi. Hintayin mo na lang ako dyan, pwede ba.” Napatingin ako sa mga damit kong nakakalat sa kama ko at kanina ko pang paulit ulit na sinukat. Sino bang babae ang gustong magmukhang panget sa harap ng boyfriend nila? Wala naman di ba? Kaya OK lang na magtagal ako dito dahil para naman sa kanya to. “Hindi na tayo makakapaglunch e. 12:30 na.” Actually, 11 pa lang ng umaga bago ko naghanda pero wala talaga kong mapili. Gusto kong magmukha akong sexy sa p

