24th Sale [Sydney’s POV] Hindi ko alam kung anong nangyari pero ang alam ko lang, hindi ko gusto tong napagkasunduan ng mga taong to. Double date? Tss. At kasama pa yang si Isabel ah? Ok lang naman na kasama si Hunter pero ang malditang yun na nasa loob ang kulo? Wag na lang. “Uhm, Dave, san mo ba gustong kumain?” Kita mo? Ang landi talaga eh. Kahit saang anggulo, makikita ang kalandian nya. Ang kapal ng mukha. Alam na may girlfriend yung tao, kung makaasta, akala mo single yung nilalandi nya. “Kahit saan. Basta masarap yung pagkain. Pero trip ko ngayon sa Jollibee eh.” Napangiwi ako sa sagot ni Dave. Isa pang haliparot. Alam na pini-flirt sya, hindi pa rin umiiwas. Tsss! Sige lang Dave, mag enjoy ka ngayon. “Ikaw Sydney? San mo gusto?” Mabuti na lang at nan

