22nd Sale [Sydney’s POV] Tahimik lang ako sa sasakyan at hindi pinansin ang pangungulit ng katabi ko. nakaka-frustrate lang kasi sya. Bakit ba naman kasi naisipan nyang makipag exchange numbers sa harap ko? Hindi naman ako magagalit kung hindi nya yun ginawa eh. Pero pakiramdam ko kasi, natraydor ako. Alam kong medyo OA, pero yun talaga ang kumikirot sa puso ko. Tss. “Ok, Sydney. I’m sorry, sa nagawa kong ikinakagalit mo, sorry na. Please. Patawarin mo na ko. Alam mo namang hindi ako titigil hangga’t hindi mo ko napapatawad di ba?” “Tsk. Tigilan mo ko, at alam kong alam mo din na mahirap makuha ang pagpapatawad ko. Ang tindi mo rin no? Ang kati kati mo! Hindi ka na nahiya sa’kin at sa harap ko pa talaga kayo nag-usap tungkol sa page-exchange numbers nyo.” “So yun? Yu

