20th Sale

1416 Words

20th Sale   [Sydney’s POV]   “Ano yang mukhang yan?” tanong ko kay Dave. Pagkatapos kasi nyang magturo sa klase namin, lumabas yan ng nakasimangot at maasim ang mukha at tuwing makikita ko sya ay hindi man lang ako nginingitian.   “Tinatanong mo pa Sydney kung bakit ganito ang mukha ko?”   Napatawa ang driver namin dahil sa sinabi ni Dave. Ang lakas kasi ng boses, daig pa ang nakalunok ng mega phone. Pauwi na kami ngayon sa bahay.   “Bakit ba? Ha? Kaya nga tinatanong ko eh!”   Humalukipkip sya at tinignan ako ng diretso.   “Syempre, ganito ko dahil tuwing uwian simula bukas ay kasama mo yung Hunter na yun. Sinong boyfriend ang matutuwa sa sitwasyong ganun?”   Itinaas ko ang kaliwa kong kilay at inirapan sya.   “Sino bang may kasalanan kung bakit nya ko kailangang turuan?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD