47th Sale

1712 Words

47th Sale   [Sydney’s POV]   “Anong balak mo ngayon?” Ilang araw ko na ding napapansin ang palaging pagiging tulala ni Dave sa kwarto nya, walang kahit anong ekspresyon ang mukha nya. Hindi ko masabing galit sya, malungkot, o masaya. Hindi ako tanga, at mas lalong hindi rin ako manhid. Alam kong tungkol to sa pamilya nya.   Hindi ko sya kinakausap tungkol sa bagay na yun, gusto kong kusa nyang sabihin sa’kin ang iniisip nya. Wala din naman akong magagawa kung pipilitin ko sya. Kung meron man, yun ay intindihin na lang ang pagiging tahimik nya. Gustong gusto ko na syang makausap tungkol sa problema nya dahil hindi ko kayang makita syang palaging walang gana.   Sana, i-open nya to sa’kin. Pag tinitignan ko sya sa malayo, para bang buhat nya ang mundo. Kapag lumalapit naman ako sa kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD