40th Sale [Sydney’s POV] “Oh sige na. Umalis na tayo. Ayos na ba ang gamit nyo?” tanong ni papa sa’min habang inaayos ang sasakyan sa harap. Hindi nya alam na pugtong pugto ang mata ko dahil sa kakaiyak pamula nung araw na yun, nakasunglasses kasi ako at hindi ko tinatanggal. “Ayos na, pa.” Si Ate Lorraine na ang sumagot at nagsimula na kaming sumakay sa SUV namin. Tumabi ako kay Ate Lorraine at hindi naman sya nagsalita pa. Sumakay na din si Dave at bahagya syang napatingin sa bakanteng upuan sa gilid ko tsaka kinagat ang labi, pero doon sya umupo sa likod katabi ni Gerome. “Wa’g kang pahalata kay papa na umiyak ka.” Bulong sa’kin ni Ate Lorraine. Tumango na lang ako sa kanya. Nagvibrate ang cellphone ko sa bulsa kaya kinuha ko yun. Dave: Pwede ba kong tumabi sa’y

