FLASHBACK 4
LOVELY'S POV
Maaga ulit akong pumasok ngayun ... may quiz kami sa first subject kaayo mag rereview ako ... naka pag review na nman ako kagabi pero feel ko unti palang yun ... kailangan kong pagbutihan lalo na't scholar ako .. kailangan kong ma maintain ang grades ko .... Iilan palang kaming nandito sa classroom kaya medyo tahimik pa ang paligid... I choose to put some earphones para makinig nang music habang nag rereview.... I lang minoto lang nang may naramdaman akong tao sa likod ko ... di ko alam kung kanina pa sya jan o ngayun lang, lilingon na sana ako nang biglang bumulaga sa harap ko si Trixie at Kurt ...
" hi Love !! good morning .. ang aga mo ngayun ah" ang masiglang pagbati ni Trixie sa akin
" hi Love " kiming bati naman ni Kurt sa akin
" oh san si Dustin ?" ang pagtataka ko ... well palagi kasi silang magkasabay talo kapag pumapasok kaya medyo nagtataka ako kung bakit di nila ito kasabay ngayun ...
" oooyyy hinahanap " ang pang tutukso sa akin ni Trixie ... ito na naman sila
" lol ... syempre " diba hahanapin ko yung tokmol na yun kaklase namin sya at kaibigan .. malamang hahanapin talaga
" ayyiiiee sus kayo ni Dustin huh " sabat naman ni Kurt
" hala kuya ... bakit anong meron ba " taka ko namang tanong sa kanila ... bakit ano bang meron sa amin ni Dustin ?
" ahahahah sus deny pa talaga ... halata naman kayong dalawa eh ... " sagot naman ni Trixie pero diko alam kung nagmamalikmata lang ba ako ... pero I saw pain in her eyes nang sabihin nya yun
" halata ang ano ? " di ko sila ma gets promise ... ano ba kasi yun ? tumawa silang dalawa tapos biglang nag aacting ... wait ?
" pandak ? pandak ! " sabi ni kurt sabay yakap kay Trixie
" oh my god Dust .. na miss kita ..." sagot naman ni Trixie habang naka yakap din kay Kurt ... putragis ano memories nila yung ginawa namin .... yup yan ang nangyari noong fisrt day na nagkita-kita kaming lahat ... ang OA nila ,,si Josh din naman niyakap ko ah ... pero ang oa lang nang pagkaka acting nilang dalawa ...
" ang oa ... si Josh din niyakap ko ..wag kayong malisyoso" ang kuntra ko naman sa kanila
" wahahahahaha " sabay nilang tawanan ... may saltik pala tong dalawa na to ....
" hey guys good morning !" sabay-sabay kaming lumingon sa nagsalita ... at walang iba kundi ang kanina pa namin pinag uusapan si Dustin ... buti at di to nabilaukan ....
" speaking of .... ayyyieie" ang tukso ulit ni Trixie ... napa facepalm nalang ako sa kalokohan nila nang jowa nya
" hey ... bat parang ang saya nyo " pagtatanong ni Dustin sa amin ..tsk sila lang masaya dude ... lol
" oh Tristan ang aga mo ata " at wala pang 0.0000001 seconds nang bigla akong lumingon sa likod ko na nanglalaki ang mata ... shits kanina pa sya jan ?
" wahahahaha" ang biglang tawanan ulit nina Trixie at Kurt ...wow ang saya nila huh ,,, bat di kaya sila mamigay nang saya ....
" ang saya nyo huh ... as in ... mamigay naman kayo " sabi ko sa kanila na nagpalala nang kanilang tawanan ....
" tsk" tanging sabi ni Tristan ... huwow grabe ang haba non ah ... di kaya mapanis laway nito ...
" guys kalma .. hahaha humahaba na ang nguso nitong isa oh " pang-aasar naman ni Dustin... loko talaga tong shokoy na to ...
" oo na po ka kalma na " sabay na sabi ni Kurt at Trixie ....
" kuya Kurt sumbong kita kay ate Laine " at kita ko sa mukha nya ang pamumula ... suuuss halata sya masyado hahahaha ....ilang minoto din ay pumasok na ang prof namin at nagsimula sa quiz ....
FASTFORWARD
*cafeteria*
hapon na at kaming lahat na magbabarkada ay parihong walang pasok sa 3-5 naming sub. kaya ang ending naka tambay kami ngayun sa cafeteria at nag-iingay ... oo tama kayo nang basa .. nag iingay po sila ... di po ako kasali ..mabait ako hahahaha ...
" yaaahhh ...!!! Josh naman akin na yan wag kang gahaman !!! " ang pagrereklamo ni Andrea kay Joshua nang bigla nitong ninakaw sa plato ni Andrea ang cheeze burger nito ... oo literal na ninakaw ... di nang hingi eh
" waw .... Dle blig wold .. ghadhaman " at dahil sa katakawan ni Joshua in the end wala kaming maintindihan sa mga sinasabi nya ..
" oy Tistan dito!!" biglang sigaw ni Andrew kaya napalingon kaming lahat sa taong tinawag nya ... nakita ko nga si Tristan na may bitbit na tray na naglalaman nang pag-kain .... pero di sya nag iisa ...aaahhh yan na siguro ang girlfriend nya ... lumapit naman sila sa pwesto namin ... at nasabi ko naba sa inyo na pinag-isa namin ang dalawang table at ang mga loko-lokong sina Josh, Kurt at Dusting ay nilagay ito sa gitna ... oo sa gitna mismo nang cafeteria ... kaya ang look ... para kaming mga syonga na nasa gitna ... ok daw yun para agaw atensyon sabi ni Joshua ... tukmol talaga kahit kailan ... nakalapit na sina Tristan sa amin kaya na upo sya sa tabi ko mismo ... well doon lang naman ang may vacant sit ... pero ang problema nag-iisa nalang yun .... natahimik kaming lahat sa pag dating nila ... hala .. bat naging awkward bigla ..?
" hey you ... get up " narinig kong sabi nang gf ni Tristan .. kaya lang di ko alam kung sinong sinabihan nya ... busy ako eh ... ang sarap kaya nang spaghetti nila dito .... nakita ko naman sa harap ko sina Ella, Andrea, Josh At Dustin na nagpipigil nang tawa ... luh? ..anyari sa kanila ... si Trixie naman sa kabilang tabi ko eh nag pipigil din nang tawa ... ok?
" argh .. hey are deaf ?!" sabi ulit nang gf ni Tristan ... luh ano bang problema nito ... nilingon ko si Tristan at nakatingin ito nang masama sa akin ... kaya nabilaokan ako ... kaya tuloy ang ending ... dina nila napigilan ang kanina pa nila pinipigilang tawa nila .... nakukuha tuloy ... i mean mas nakuha tuloy namin ang atensyon nang mga tao dito ... . ininum ko agad ang juice ko at tinignan silang lahat .... nang biglang ...
" stand up" nilingon ko amg katabi ko ... hindi si Trixie kundi ang tukmol na si Tristan ... tinignan ko lang sya nang may pagtataka
" stand up" pag uulit nya sa sinabi nya kanina
" oo narinig ko di mo na kailangan ulitin hindi ako bingi ... " sabi ko naman sa kanya ...
" oh-oh .. I smell savage " pabulong-bulong naman ni Ella eh rinig naman namin na tinawanan nila ...
" then why arent you standing up if you heard it naman pala " ang singit naman nang gf nang tukmol na kaharap ko ngayun ..
" I am not talking to you so you better hintay nalang ok " ang pang gagaya ko sa babaeng to .,. naiinis na ako sa kanya huh ... gigil nya ako ... dahil sa ginawa ko nagtawanan silang lahat na bigla ring tumahimik nang binalingan sila nang masamang tingin ni Tristan pero ganun padin nag pipigil nang tawa ...
" Oh my God babe she's so salbihi can you please let her alis na " eeehh nakakasuka ang ka artihan nang babaeng to ... buti naman at naka tiis ang Tristan na to ... well love is blind daw eh ... siguro ganun na kasama ang hitsura ko ngayun kaya natatawa sila sa akin ... kaya tumayo at humarap sa babaeng maarte na saksakan nag kapal sa make up .... well pati mukha narin ...
" gusto mo umopo diba ?" seryosong tanong ko dito na nagpatahimik sa mga kasama ko ... nakita kong lalapit sana si Trixie sa akin nang pigilan sya nina Ella .... they know me .. when Im in this mood ... mahirap pag ako magalit ... pero right now hindi pa ako galit ... napipikon palang ako sa babaeng to ...
" yes so you bett-" pinutol ko na angdapat na sasabihin nya
" edi kumuha ka nang mauupoan mo ... sa dami nang upoan dito malamang dika mauubusan ... wag kang umasal nang ganyan ...(at lumingon at kay Tristan) remember AKO ang nauna sa upoan nato ... napakabastos naman siguro kung kukuhanin nyo to diba ?(balik tingin sa gf ni Tristan) bakit may naka pangalan ba na sayo to ? wala diba ? " pag katapos kong sabihin yun ay umopo ulit ako at pinagtuonan ko ulit nang pansin ang pagkain ko .... ramdam ko ang mga tingin nila sa akin pero binaliwala ko lamang ito ... na iinis ako big time ... bakit ba ? di porket mayaman sila kung maka asta na sila sa amin mga mahihirap parang basura na ... di sila matatawag na mayaman kung wala kami woooy ....
" arrgghhh ... !!! you'll gonna pay for this " rinig kong sabi nya
" oh ... magkano ba ? ... Dust pautangin mo ko huh ... babayaran ko daw sya eh " seryosong sabi ko naman kay Dustin na naging dahilan para mabilaukan sya sa sarili nyang laway ... natulala naman yung iba sa akin dahil sa sinabi ko .....
"what the hell ?! arrghh " sabay alis nito na naging dahilan nang biglang tawanan naman nila ....
" grabe Love big time ka talaga ! ang galing nang baby girl namin !" sabi naman ni Andrew habang tumatawa na sina ayunan naman nang mga kasama ko ...luh kailan paila may tawag sa akin
"baby girl ang savage mo hahahah !" sabt naman ni Kurt
" bakit baby girl .... " ang reklamo ko sa kanila
" maliit ka daw kasi" sabat naman ni Dustin
"che ... wag kang panira"
" ahaahha kasi ikaw yung hmmm...pinakabata sa amin ... saka kami ni Kurt at Lalaine ang nakakatanda sa inyo" pag explain naman ni Andrew ... loko din to sila ayaw nila mag patawag nang kuya pero ...tsk
"iba ka talaga Love ...idol talaga kita" sabi naman ni Josh ... na naging sanhi ulit nang tawanan .... nilingon ko naman si Tristan na tahimik lang sa tabi ko habang kumakain ... nigla akong nakunsensya sa ginawa ko .... malamang sa mag-aaway nanaman silang dalawa nang gf nya .... tsk ... napaka insensitive ko di ko man lang naisip ang mararamdaman nya ...sana pinigilan ko nalang ang bibig ko .... *sigh* naramdaman nya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya nilingon nya ako .... pero sandali lang din yun nang tumayo sya at umalis .... natahimik ang lahat dahi sa ginawa nya ...napayuko nalang ako dahil sa sobrang guilty ...
"bhe ok lang yan ... he's always like that.. he'll be ok ... masungit lang sya dahil bago palang kayo magkakilala .. but he's kind " ang pag papagaan sa akin ni Lalaine .... *sigh* sana nga hes ok