FLASHBACKS
LOVELY'S POV
Andito ako ngayun sa labas nang bagong school na papasukan ko... hoooo ! kinakabahan ako sa totoo lang ... ito ang unang pagkakataon kung maka pasok sa isang private school ... 1st yr college na ako at isang scholar dito sa UDC (gawa-gawa lang po ni author ang school)... actually dito ko talaga piniling mag-aral dahil sa dito narin nag aaral ang mga kaibigan ko ... papasok na sana ako nang may humintong sasakyan sa harap ko nagulat nalang ako nang biglang may sumigaw galling sa sasakyan
" love ! ... oh my god .. Love ikaw nga !!!'" it was Ella and Andrea sila yung sinasabi kong mga kaibigan ko dali-daling lumabas si Ella sa sakyan at nag tatakbo papunta sa akin .. hahaha still the same Ella
" dito kana mag-aaral ?!" excited na tanong ni Ella habang yakap-yakap ako at nagtatatalon . di ako makahinga
" e-ella wait .. di ako ma-makahinga"
" ay sorry . sorry na carried away lang hahaha"
"hahaha oo na .. na miss ko din kayo " masaya kong sabi sa kanila
" akala talaga naming di ka na mag-aaaral may balak pa naman din kaming di narin mag-aral .. actually kukunin sana naming ngayun ang mga papers ditto to cancel-"
"hooooy ano ba kayo !" bilis kung pag putol sa sasabihin ni Andrea ..
yes totoo naman talagang di naman sana ako mag-aaral kung di lang din ako naka pasa bilang scholar dito. Di ko na kasi balak na mag-aral at mag tatrabaho nalang san ako. ako nalang din naman mag-isa sa buhay kaya para sa akin ay ok lang I was 12 yrs old when my parents died in a car accident iwas still grade 6 back then maayos ang buhay naming noon pero nang dahil sa biglaan nilang pag kawala .. kailangan kung bumangon sa sarili kong mga paa mahirap sa akin dahil sobrang bata ko pa noon napunta aong ampunan at last year nang tumuntong akong 18 na pagpasyahan kung umalis sa ampunan at mag sarili nalang tutul man sina sister Fe sa desisyon ko pero pursigido ako . nahihiya narin kasi ako sa kanila I was never been adopted pero masaya ako sa ampunan dahil mababait ang tao dun nag bakasakali akong mag take nang exam nang dahil narin sa isang hiling ni sister Fe na sana maka pagtapos ang nang college kaya nag take ako nang scholarship at dahil sa sinwerte kaya andito ako ngayun di rin naman kakayanin nang konsensya ko kung dahil sa akin ay di narin mag-aaral ang dalawang to . were friends since high school days kaya close na close kami pati na din sa parents nila ay close ako. Nasa public school ako noon nang makilala ko sila... nag tataka man kung bakit sila nasa public school nag-aaral though halata namng afford nilang mag-aral sa isang pristiheyosong school .. nalaman ko din naman ang rason nang makilala ko ang parents nila ... at first alangan akong makipag-usap sa kanila dahil narin sa social status nila , pero they are so persistent masaya din naman talaga silang kasama at totoo sila sa akin kaya magpa hanggang ngayun mag kakasama parin kami... kasama din sa barkada ang mag pinsang Joshua at Dustin sa pagkaka-alam ko dito din nag-aaral ang dalawang yun
" di nyo naman kailangan na huminto din sa pag-aaral nang dahil lang sa di na ako papasok nang college .. "
" tsk its not that gusto narin kasi naming mag enjoy nalang " ang pag papaliwanag ni Andrea woow ang gandang rason huh hmm ok lang naman sa kanila sa kahit naman sa mga magiging apo nila kahit na di sila mag-aral ngayun eh sa may pera naman sila .. siguradong mabibigyan nila ito nang marangyang buhay
" yan nanaman kayo syempre mas maganda paring naka pagtapos tayo "
"suuuuusss nagsalita ka eh ikaw kaya ang gusting ayaw na mag-aral" ang pang-aasar sa akin ni Ella
"ahaaha syempre may rason ako no saka kahit naman naisipan kung di na mag-aral syempre pangarap ko paring maka pagtapos "
" edi sana tinanggap mo nalang yung offer naming apat sayo actually pati nga parents naming gusting tumulong ikaw lang talaga ang sobrang OA" ang mahabang paliwanang ni Andrea sa akin yup its true .. nag offer sila at ang parents nila na sila ang mag papa-aral sa akin .. pero tinang gihan ko . ayoko kasing abusin ang tulong na binibigay nila sa akin though di ko naman sya ina aboso pero syempre nahihiya na ako sakanila sa dami nang naitulong nila sa skin sa tuwing na ngangailangan ako financial man o hindi
"*sigh* alam nyo naman na ang rason ko diba ?"
" oo na po so back to the topic dito kana mag-aaral?" excited na tanong ni Andrea sa akin
" oo nag take kasi ako nang exam last minute nga ang pagtake ko buti nalang at na pasa ko ang scholarship offer nila dito " ang mahaba kong paliwanang sa kanila .masyado kasing mataas ang standard nang school nato kaya nga nag-aalangan akong magtake dito . pero buti nalang talaga at naipasa ko sya balak ko rin naming magtake sa iabng school kung sakaling di ako palarin dito pero Salamat nang kay God at tinulongan nya ako ...
" tsk di na kami magtataka matalino ka syempre . yyyiiiee !!! excited na ako magkakasama padin tayo . ! tara na nag hihintay na ang mga tokmol sa atin hahahah " ang masayang sambit ni Andrea sa amin ni Ella
" at sa wakas ! mapapakilala ka nadin namin sa iba pa naming kaibigan !!! " ang malakas na sigaw ni Ella .. oo sigaw talaga .. literal na sigaw nakuuu.. di man lang nahiya ang baabeng to .. wala padding pinag bago pinagtitinginan tuloy kami nang mga ibang students dito na papasok palang din
"ano ka ba Ella ang boses mo .." saway sa kanya ni Andrea
" tsk . paki ba nila .. maganda ako kaya ganun .. mamatay sila sa inggit " ang mahabang paliwanag ni Ella kami naman ni Andrea ay literal ding na pa nganga sa paliwanang nya hahaha grabe lakas talaga nang self confidence nang babaeng to well totoo naman talagang maganda sya .. same goes to Andrea ...pero ibang level talaga ang confidence pag si Ella ang pinag uusapan
"grabe Ella lakas talaga nang hangin mo " ang natatawang saway ni Andrea kay Ella
" huh .. aba dapat lang s-"
" op.. op.. .tama na . mamaya na yan at baka malate tayo sa bangayan nyong yan ahaahah " at bago pa man mapunta kung saan ang usapan inawat ko na sila at sabay hila sa kanila papasok nang school gate hoooo !!! this is it . !!! UDC here I come !!!