Allison's POV Nandito kami sa Mall ni Austin at Xenon dahil mag gogrocery kami. Sinusundan ko lang sila habang nagtutulak si Austin at si Xenon naman ay kuha ng kuha ng kung ano-ano. “Kung buong mall na lang kaya ang bilhin mo? Halos lahat na ata kinukuha mo e. Tayong tatlo lang naman ang kakain. ” Napatingin naman sa akin si Xenon at nagpa-cute pa. “Mayaman ka naman e. Atsaka para hindi na rin tayo linggo-linggo nag-gogrocery, diba Blake?” Tinignan lang siya ni Austin at hindi pinansin. “Allison!” Napatingin ako kung saan nanggagaling ang malakas na sigaw na yun at hindi nga ako nagkakamali kay Venus nga ito at kasama niya si Kent, Dominic, Christian, Migz at Tyronne. Ako at si Austin ang hindi nila kasama. “Pinuntahan ka namin sa bahay n

