Tyronne's POV Bagsak na sila Kent, Dominic, Christian at yung mga kasama nila Allison. Ang dami nilang nainom. Si Allison marami ng nainom pero hindi ko alam kung lasing na ba o hindi, si Blake naman umiinom pa rin pero tahimik lang, si Venus inaasikaso si Kent, si Daryl konti lang ang ininom, ako naman hindi masyadong iminom. “Tama na, lasing ka na.” Pinigilan ni Daryl si Allison pero hindi siya pinansin ni Allison. Tinungga ni Allison yung bote. “Allison, tama na.” Napatingin sa akin si Allison. Binato niya yung hawak niyang bote. “Halika na uuwi na tayo, ihahatid pa nating itong mga gunggong na 'to.”Hahawakan na sana siya ni Daryl para alalayan pero tinabig niya ang kamay nito. Nag-simula na siyang maglakad pero pagewang-gewang na siya. “Mauna na kami, Tyronne. Blake pabuhat nam

