Tyronne's POV Agad akong sumugod ng pag bagsak ni Blake ay kinuha ni Drake yung kutsilyo na hawak ni Blake kanina. Agad kong sinipa yung kamay niya dahilan para mabitawan niya yung kutsilyo. Kanina habang naglalaban sila natandaan kong may maliit na kutsilyo nga pala ako sa pants ko kaya agad ko itong kinuha at pinutol ko yung tali pero medyo natagalan kasi masyadong makapal. Pinasa ko kay Christian yung kutsilyo para matanggal na din nila. Hindi ko na kayang tumunganga lang at walang gawin. “Ang lakas ng loob mo Tyronne na kalabanin ako. Ang kapatid mo nga na isa sa pinakamalakas sa buong mafia natalo ko ng ganong kadali ikaw pa kayang isang lampa lang.” Napakuyom ako ng kamao ko. “Wag mo akong maliitin.” Agad akong sumugod. Sinipa ko siya pero agad niya itong naiiwasan. Susuntukin

