Allison's POV Napalingon ako kay Blake at kitang kita ko kung paano ito pag pawisan. Hindi din mapakali ang mata nito. Bakit natatakot ka Blake? May hindi ba ako alam? “Natatakot ka na ba, Blake? Na malaman nila ang ginawa mo. Ang demonyong nagsasanto-santuhan. Madumi kang mag laro, nananaksak ka patalikod.” Hindi ko maintindihan. Ano bang hindi namin alam na alam ni Terrence. At base sa nakikita ko lalo na sa reaksiyon ni Blake may tinatago siya. Pero ano yun? “Shut up!” Agad sumugod si Blake at pinagsusuntok si Terrence na tumatawa lang. “Blake?” Napatigil ito ng tawagin ko siya. “May dapat ba kaming malaman?” Napaupo sa sahig si Blake. “Siyempre meron kayong dapat na malaman, tama ba ako blake?” Pinunasan lang ni Terrence ang dugo nito sa labi bago tumayo. “Ayoko naman masab

