Tyronne's POV Naglalakad ako at pupunta ako ng practice room para mag practice. Nang nasa tapat na ako napatigil ako ng may marinig akong mga kalampag, siguro may tao. Aalis na sana ako pero nacurious ako kung sino ang tao. Sinilip ko at kita ko si Daryl at Allison na nag lalaban. Habang si Duke ay nasa isang gilid lang at walang pakielam sa kanila. Halos mangudngod ako ng may lumipad na kutsilyo at nadaplisan ako sa may gilid ng noo ko. s**t. Napalingon ako sa kanila. Nakatingin na sila sa akin habang si Allison ay may pinapaikot na kutsilyo sa daliri niya. Unti-unti itong lumalapit sa akin. “Bakit nandito ka?” Malamig na tanong nito sa akin. Parang hindi si Allison ang kaharap ko, ibang iba. Yung mata niya parang isa akong kalaban na handa niyang patayin ano mang oras. “Mag papra

