Chapter 2

1300 Words
Tyronne's Pov           Nandito na kami sa airport, aalis na sana kami sa sasakyan ng pigilan kami ni Venus.             “Sa Starbucks na lang daw siya natin antayin”Sabi ni Venus habang nakatingin sa kanyang cp            Bumalik kami sa sasakyan at ni-U-turn naman ni Dominic ang sasakyan.              Ang daming katanungang ang nag hahalo-halo sa isip ko at halo-halong emosyon din ang nararamdaman ko.             Ano na kayang itsura niya ngayon? Kamusta na ba siya? Ok lang ba siya? Masaya ba siya? May mahal na ba siyang iba? Kinalimutan na ba niya ako? Kinalimutan na niya ba ang pag-mamahal ko sa kanya? Di na ba kami mag babalikan? Mahal niya pa ba ako? Iniisip rin ba niya ako? Nasa maayos na kalagayan ba siya? Lahat ng yan gusto kong itanong sa kanya kaso wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya lahat ng iyon.           Masaya, kinakabahan, natatakot, nahihiya, malungkot, naiiyak at excited yan ang halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.            “Huy Tyronne ano pang ginagawa mo diyan? ”Nagising lang ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Kent. Nandito na pala kami sa Starbucks hindi ko man lang namalayan.             Bumaba na ako at nakaupo na sila kami na lang ni Kent ang hinihintay doon nila Venus.             “Tulala pa kasi itong si Tyronne eh”Paliwanag ni Kent sa kanila             Mga 30 minutes na kaming nandoon pero wala pa rin si Allison. Medyo naiinip na kami.             May pumasok na babaeng maputi, nakashades, nakajacket with hood, maikling short at high heels.             Umupo ito sa may upuan na nireserba namin para kay Allison lahat kami nag tataka.             Tinanggal nung babae yung salamin at si Allison iyon. Lalo itong gumanda at pumuti.             “Bakit ganyan itsura mo? ”Tanong ni Christian na tawa ng tawa            Allison's Pov            “Bakit ganyan itsura mo?”Tanong ni Christian habang tumatawa             Kaya ako nakaganito kasi baka makilala ako ng mga tao at pag kaguluhan pa ako dito.              Sasagot na sana ako ng may biglang babaeng nag salita mula sa unahan ko.             “Venus ito ba ang sinasabing mong babaeng mahal ni Tyronne? Tsk tignan mo nga hindi maipakita ang mukha dahil siguro nahihiya siya dahil panget siya. ”Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nung babae          Nginisian lang siya ni Venus at hindi pinansin, nainis naman yung babae at wtf binuhusan niya ako ng juice.            Tinanggal ko yung jacket ko at shades ko at humarap ako sa kanya. Mukha itong gulat na gulat.            “Excuse me miss, who are you? ”Nakangisi kong tanong dito           “I'm Chelsey, Tyronne's Girlfriend ”Taas noo nitong sabi           “Hindi kita girlfriend ”Agad na sabi ni Tyronne           “Remember my name b***h, Allison Autumn Sy your worst nightmare ”Bulong ko dito sabay tapos ng spaghetti sa ulo nito.           Kumuha ako ng isang upuan at itinabi ko sa upuan ko at umupo ako sa upuan ko.            “Bakit ka kumuha ng isa pang upuan? Kumpleto na yung upuan Allison”Nag tatakang sabi ni Venus            Hindi ko na lang siya pinansin dahil nawala bigla ako sa mood. Bwisit kasi yung babaeng yun. Ang dami na tuloy nag pipicture sa amin. Kainis.            “Sorry I'm late”Sabi ni Austin sabay halik sa pisngi ko           Halata namang shocks sila sa nakita nila, at nagtataka rin sila kung bakit nandito si Austin? Umupo si Austin sa upuang bakante na katabi ni Venus          “B-Bakit?”Naguguluhang tanong ni Venus           “Ikaw na ang mag kwento Austin wala ako sa mood ngayon”Sabi ko kay Austin              “Well kung nag tataka kayo kung bakit ako nandito? Nandito ako dahil nandito si Allison ”          “Bakit kayo mag kasama? ” Malamig na tanong ni Tyronne kay Austin napangisi naman si Austin sa tanong ni Tyronne             “Ang totoo kasi niyan...Tinatamad din akong mag kwento”Napairap na lang si Venus at sila naman ay mukhang bad trip           “Ano ba naman yan? ”Maktol ni Venus            “Malalaman niyo din naman eh tinatamad lang akong mag kuwento”Natatawang sabi ni Austin, bigla naman silang napatigil at halatang gulat.          “Allison anong pinainom mo kay Blake at tumatawa? ”Oa na tanong ni Venus          Tinignan ko lang siya at hindi pinansin. Nakakatamad mag salita lalo na at wala namang kabuluhan yung sasabihin mo.             Dominic's Pov           Simula ng dumating si Allison ay bigla akong natahimik. Lalo na ng dumating si Blake.            Marunong ng makihalubilo si Austin sa mga tao at tumatawa at ngumingiti na rin ito at alam kong dahil lang iyon sa iisang babae.           Si Allison naman bumalik sa dating siya. Walang pakielam sa mundo, snobber at tahimik. Pero napansin ko na lalong naging matapang at malakas si Allison.            Napatingin ako kay Miggy. Napansin kong hindi siya nagulat sa mga nangyayari at pag babago ni Blake ng ugali. Halos lahat kasi kami ay gulat pero si Miggy ay seryoso lang at walang emosyong nakatingin.             Si Tyronne naman halatang naiinis. Alam kong may gusto si Blake kay Allison at may gusto din si Tyronne kay Allison. Hindi ako sure kung may nararamdaman pa ba si Allison kay Tyronne at kung may nararamdaman na ba siya para kay Blake? Ang Kinakatakutan kong mangyari ay ang mag tatalo silang dalawa dahil kay Allison. Ngayon hanggang titigan lang silang dalawa pero paano kapag humantong na sa mag-aaway sila. Alam kong malakas naman si Tyronne pero mas higit na malakas si Blake.           Si Venus naman ay walang bago sa ugali niya.                 Inoobserbahan ko sila habang nag-uusap sila. Tulad ko ay parang ganun din ang ginagawa ni Tyronne.            Sabay na tumunog ang cellphone nila Allison at Blake, agad na nagkatinginan ang dalawa.           Sumenyas si Blake sa kanya na parang pinapasagot sa kanya. Yung cp naman ni Blake ay hindi niya pinansin.           Lumabas si Allison at natahimik ang lahat. Ang awkward.            “Parang may something sa inyo”Sabi ni Christian habang nakatingin kay Blake            “Una, dumating ka at humalik sa pisngi ni Allison pangalawa, sinundan mo siya sa ibang bansa pangatlo, sabay na nag ring ang phone niyo. Ano yun nakatiyempo lang na parehas na nag ring ang phone niyo? ”Seryosong sabi ni Christian           “Una rin sa lahat wala ka ng pakielam dun”Mayabang na sagot ni Blake           Napahampas sa mesa si Christian at napatayo dahil sa inis. Agad niyang sinuntok si Blake at hindi naman gumanti ito. Mukhang nainis si Blake ng may dugong tumulo sa labi nito.            Agad niyang kinuwelyuhan si Christian at malakas na sinuntok.             “Gusto mo ba talagang malaman? Yun ay ang sikretong hindi niyo pwedeng malaman”Sikretong hindi namin pwedeng malaman?            Tinulak si Christian si Blake at sasapukin sana ulit ng may kamay na humarang. Si Allison.             “Tumigil na kayo”May diing sabi ni Allison                               
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD