Alexis's POV "Kapag ba patay na ako magiging masaya kana?" Isang tanong lang yun pero hindi ko maibuka ang bibig ko. Gusto kong sabihing "oo" pero alam kong hindi naman talaga ako magiging masaya. Sino bang ina ang gustong mamatay ang anak? Ako lang siguro, napaka walang kwenta ko kasing ina para sa kanya. Hindi ko nagampanan ang pagiging ina ko sa kanya pero hindi naman yun kagustuhan. "Bakit hindi ka makasagot?" Yang matang yan. Yan ang matang ayokong makita dahil bumabalik sakin ang lahat. Lahat ng nangyari. Flashback Pagdilat ko ng mata ang inaasahan ko ay puting kisama at amoy ng hospital ang maabutan ko pero isang kakaibang kwarto ang nadatnan ko. "Boss gising na siya." Sigaw ng kung sino man. Bigla na lang nagbukas ang pinto. Si Felix ang daddy ng asawa ko. Ayaw na ayaw ni

