Allison's POV “First target, Sebatian Miller. Mamayang gabi 10 pm at ******* hotel meron siyang pa-auction ng mga bombs. ” Dinilat ko ang isa kong mata habang nakaupo sa swivel chair ko. Lahat sila nakatingin sa akin. Napabuntong hininga ako. Ilang araw akong walang tulog dahil nagpaplano pa ako at inalam ko pa lahat lahat about sa anim na miyembro. Hindi ko pinasama sa listahan ng target ang dalawang magkapatid na Willford may iba akong gagawin sa kanila. “Duke, Daryl, Tim and Tyronne tayo ang pupunta sa Hotel na yan. ” Walang gana kong sabi. Muli akong pumikit. Naiistressed ako. “And then?” Napadilat na naman ako at tinignan ang nakataas na kilay ni Duke. “Pag-iisipan ko pa kung papatayin ko sila.” Walang gana ko ulit na sagot. Narinig ko ang buntong hininga nila. “Ang mga miye

