Tyronne's POV Nagising ako sa sinag ng araw. Napangiti agad ako ang ganda ng panaginip ko, para talagang totoo. Mabilis akong bumangon at nagbihis. Nag hilamos lang ako ng mukha saka nakangiting bumaba. Agad kong nakasalubong si Duke na pababa na din. Tinignan ako nito at umiling iling lang. Bumaba na din ako kasabay niya. Nakita ko silang kumakain na. Napalingon sila sa amin ng maramdaman ang aming presensiya. "Oh Tyronne? Ayos na ba likod mo?" Tanong ni Venus. Napahawak ako sa likod ko. Kapag gising ko parang wala akong naramdaman na sakit, siguro dahil sa sobrang saya. Tumango lang ako at umupo na. Kapag katapos namin kumain ay may sari sarili na kaming ginagawa. Boring na boring na ako dahil di ko maintindihan tong pinapanood ko. Kanina ko pa hinahanap si Allison. Nasan na ba kas

