Blake's POV "Sumunod kayo sakin" Tumalikod na si Allison. Si Daryl naman ang humarap samin, hindi ko alam pero ang mata nito ay halo halo ang emosyon. Na para bang masaya siyang hindi. Napatingin naman ako kay Duke na binigyan lang kami ng isang nakakalokong ngiti. Mabilis kaming sumunod sa kanila. Napatingin ako sa nakatulalang si Tyronne. Halatang naguguluhan parin ito hanggang ngayon. Pumasok kami sa isang mansyon talagang malaki ito mas malaki pa ito sa mansion ni Allison. Umupo kami sa sofa tahimik kaming lahat at nakatingin lang sa kanilang tatlo. "Kukuha ko lang kayo ng juice." Tumayo si Duke at mabilis akong sumunod sa kanya. Alam kong alam niyang sumusunod ako sa kanya. "Nagsinungaling ka sakin." Lumingon siya sa akin. Nag hila ito ng upuan at umupo. Ngumisi ito sa akin.

