Chapter 51 Lisa’s Pov HINDI ko maiwasang mapaluha dahil binibihisan ako ng dalawang babae ng simpleng white gown. Ngayong araw na ang sinasabi ni Angus na magpapakasal kami. Mukhang mamayang gabi din ako mawawala sa mundong ito kung hindi man ako mailigtas ng asawa ko. Baka hindi na niya ako maabutan na buhay pa. Iyak lang ako ng iyak habang patuloy na binibihisan ng dalawang babae na nakasuot ng itim na damit. Hindi sila nagsasalita kahit anong pakiusap ko na tulungan nila akong makatakas. Para bang hangin lang ako sa paningin nila. Napayuko ako dahil tapos na nila akong bihisan. Pinagdarasal ko na lang na sana ay dumating sa tamang oras sila Kevin pati na din si Jacob dahil kapag ako ay namatay ay babalikan ko talaga si Jacob. May panahon na kasi akong tumakas ng sumulpot siya dati

