Chapter 9 Lisa’s Pov NAGISING ako sa ingay na para bang may nagpopokpok sa labas. Napabangon ako at tumingin sa bintana na nakasara. Napabuntong hininga ako dahil hanggang ngayon ay naka kadena pa rin ang isa kong paa. Dahil sa pagtakas ko ay ayaw ng magtiwala ni Kevin sa ‘kin na hindi na ako tatakas pa. Araw-araw ay nabwibwisit ako sa buhay ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa bwisit na lugar na ‘to. Namiss ko na ang condo unit ko sa New York. Gusto ko ng bumalik at kahit kailan ay hindi na ako babalik pa ng Pilipinas. Pinapangako ko talaga yan sa sarili ko. Ayaw ko na talaga. Tangina! Napasabunot na lang ako sa buhok ko habang iniisip ang fiance ko. Iniisip ko kung hinahanap kaya niya ako? Malamang ay oo dahil mahal na mahal ako ni Han. Ayaw nga no’n malayo ako sa kany

