Nang makapag-usap kaming tatlo nina Aldrin at Von tungkol sa naalala ko kay Patricia, ay agad kaming bumalik kung nasaan sila naroroon. Nakita namin sila ay nandoon sa cafeteria, kumakain kaya naman lumapit na rin kami. Sabi naman nila break time kaya bumili na rin kami ng pagkain at nakisabay na kina Patricia at Jaz. "Saan kayo pumunta?" Tanong agad sa amin ni Pat nang makabalik kami. "Ay wala, sinamahan lang namin si Dos kung saan 'yung banyo," tugon naman ni Aldrin. "Ah okay... sumabay na kayo kumain sa amin dahil may gagawin pa tayo para makaalala si Dos," sambit ni Patricia. Kumain kami nang sabay-sabay, nagkwentuhan na rin kung ano 'yung mga nabago at napaganda sa school namin. "Nakakamiss 'tong school natin, ang dami nang nadagdag na facilities," wika ni Jaz. "Kaya nga e, sar

