2022 Ilang taon na rin ang lumipas nang grumaduate kami ni Patricia. Parehong masaya at proud ang mga magulang namin noon sa isa't-isa, siguro dahil napagsabay namin ang pag-aaral at ang pagkakaroon ng relasyon. Sabay rin kaming nakahanap ng trabaho. Si Pat ay kinuha ng magulang niya at binigyan ng pwesto sa kanilang business. Malari din kasi ang business ng magulang niya, kaya naman kailangan pa nila ng isa pang maghahandle. Ako naman ay isang Graphic Artist, malaki rin naman ang sahod ko dito para sa aming pamilya. Nagbabalak nga ako na maging secondary school teacher, gusto ko kasi 'yung stable job na pero sa ngayon ay nag-iipon pa ako. Sa tagal ng relasyon namin ni Pat na almost 4 years na ay talaga namang puno ng away at tampuhan ang kadalasang nangyayari. Minsan hindi ko na talaga

