Simula

817 Words
Kinakabahang nag-angat ng tingin si Patricia sa nurse nang tawagin nito ang pangalan niya. "Miss Patricia Manalo, you may now enter the head doctor's office for your initial check up," sambit ng nurse kaya naman kinakabahang tinanguan niya ito. Kasalakuyang nasa Canada siya ngayon para sa nakatakdang operasyon niya, sa wakas ay nahanap niya na ang solusyon para magamot ang sakit na Hyperthymesia, kung saan bawat pangyayari sa buhay niya ay detalyadong naalala at hindi nakakalimutan. Bawat detalye. Okay lang sana para kay Patricia kung hindi lang talaga ang mga memoryang umuulit-ulit sa isip niya ay 'yung mga memoryang patungkol sa ex-boyfriend niyang si Dos. Mga memoryang matagal din nilang pinagsaluhan nang magkasama. Lahat ‘yon masaya no’ng una, halos lahat din ng pagkain na nakasanayan niyang kainin, pati mga lugar sa paligid niya sa Pilipinas... lahat ‘yon may mga alaala nilang dalawa ng dating boyfriend. At ang mahirap para sa kanya, wala siyang magawa kundi maalala ‘yon oras-oras, detalyado pa sa isip niya at hinding-hindi nakakalimutan. Masaya no’ng una hanggang sa lumabo nang lumabo bandang huli. Kaya tuloy kahit matagal na silang hiwalay ay halos gano’n pa rin ang nararamdaman niya para rito. Gano’n pa rin ang lalim ng pagmamahal at pagkasabik niyang makabalikan ito, kahit na imposible na. Huminga nang malalim si Patricia, ito na ang araw na pinaka-hihintay niya, nagkaroon siya ng pagkakataon na makaipon ng pera para sa operasyon at makapagpagamot dito sa Canada. Kapag naging normal na ang lahat sa kaniya ay handa niya na ring kalimutan ang nakaraan. Hinawakan ni Patricia ang seradura ng pinto patungo sa office ng head doctor pero bago pa niya maitulak 'yon ay naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone. Nagsalubong ang mga kilay ni Patricia nang makita kung kaninong numero ang tumatawag. “Hello po?” bungad niya nang sagutin ang tawag. “Patricia! Hija, mabuti na lang sinagot mo na ang tawag..." sambit ng lolo ng ex-boyfriend niyang si Dos. “Napatawag po kayo?” Halos dalawang taon na kasi magmula noong nakipagbreak si Dos sa kaniya, matagal na ring hindi niya na nakausap o nakita maging ang pamilya nito. Ngayon na lang ulit. “Pwede ba tayong magkita? May hihingiin lang sana akong pabor sa 'yo," sambit ng matanda mula sa kabilang linya. Nagtataka, ilang segundong hindi nakaimik si Patricia. "Tungkol po saan, lolo? Wala po kasi ako sa Pilipinas ngayon," "Tungkol kay Dos, hija..." nahimigan niya ang lungkot mula sa tono nito. "Matagal na po kasi kaming hiwalay... wala na po akong balita sa kaniya ngayon," "Hindi, hija. Kailangan ko talaga ang tulong mo, ikaw na lang ang naiisip kong makakatulong para bumuti ang kalagayan niya. Please, hija..." "A-Ano po ba ang pabor na tinutukoy niyo po?" kinakabahang tanong ni Patricia. Dumaan ang katahimikan, parang nagdadalawang-isip ang matanda sa sasabihin kaya naman sinilip pa ni Patricia kung naputol ba ang tawag o hindi. “Naaksidente ang apo ko, hija. May... amnesia siya ngayon, pwede mo bang tulungang makaalala ulit si Dos?" Napaawang ang bibig ni Patricia sa pagkabigla. Nabitawan niya ang hawak na seradura dahil do'n. Hindi alam kung ano ang isasagot at kung tatanggihan ba ang matanda pero mas nangibabaw ang pag-aalala sa kalagayan ng binata, wala na siyang balita rito nang mapilit niya ang sarili na h’wag nang i-stalk ito sa social media. Bigla rin kasing tumigil sa pag-post ng kahit ano kaya naisip niyang baka... may nahanap na itong bagong babae, o baka talagang maayos na ang kalagayan. Hindi kagaya niya... nahihirapan pa ring makausad. “Patricia... parang awa mo na, may sakit na rin kasi ako at hindi ko na masyadong maalagaan nang maayos ang apo ko. Masakit din para sa ‘kin na makitang nagkakaganito siya... hija, sige na naman,” nabasag pa ang boses na pakiusap ng lolo ni Dos sa kanya. Nag-umpisa itong umiyak sa kabilang linya kaya naman naawa si Patricia, naging mabuti pa naman ito sa kaniya no’ng may relasyon pa sila ni Dos. Buong-buo pa sa alaala niya kung paano sila nito alagaan bilang bisita sa tuwing nagpupunta siya sa bahay ni Dos, kung paano sila lutuan ng pagkain bilang meryenda o kwentuhan ng mga bagay na kapupulutan ng aral no’ng kabataan nito. Sobrang bait at sobrang supportive sa relasyon nilang dalawa. “Sige po... uuwi po muna ako ng Pilipinas.” Nakagat ni Patricia ang labi pagkatapos sabihin ‘yon, hindi sigurado kung tama ba ang magiging desisyon. Humakbang siya paatras mula sa pintuan at naglakad na palayo, hindi na lang niya muna itutuloy ang operasyon. Baka... makatulong ang kalagayan niyang naaalala ang lahat para matulungan din si Dos na maalala rin ang memorya nito. Huminga si Patricia nang malalim. Kung kailan handa na sana siyang kalimutan ang lahat saka naman kinailangang malapit ulit siya sa taong gusto na sanang ibaon na rin sa limot Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD