Chapter 5

2286 Words
“Alis na po ako, Tita,” paalam ko kay Aling Marites. Alas tres na ng hapon at oras na ng aking uwi. Excited na rin ako dahil magkikita kami ni Arvin ngayong hapon. Balak kong umuwe muna para makapagpalit manlang ng damit. “Sige, hija. Mag-iingat ka ha?” Nginitian ko si Aling Marites at lumabas na ng karenderya. Hindi ko maipaliwanag ang saya nararamdaman ko. Para akong lalagnatin na hindi. Ewan ko kung bakit ako ganito. “Eloisa?” Natigil ako sa paglalakad nang may marinig akong boses mula sa aking likuran. Nang lingunin ko iyon ay bumungad sa akin si Danilo. Napataas pa ang kilay ko nang makita ko ang postura niya. Nakasuot siya ng ripped jeans na kupas at checkered na polo-shirt na asul. Bukas pa ang dalawang butones nito sa itaas kaya kitang-kita ang itaas ng dibdib nito. Halos mangintab na rin ang buhok nito dahil sa kapal ng gel niyon. “Aba, ang ganda ng ayos natin ngayon ah? May lakad ka ba?” tanong ko sa kanya. Pinagkrus ko ang dalawang braso ko sa may dibdib ko at dahan-dahang lumapit sa kanya. Hindi ko maikakaila na lumabas na ang angking kagwapuhan ni Danilo. “Talaga?” Ngumiti nang malapad si Danilo. Nilagay pa nito ang isang kamay sa ilalim ng baba at nag-posing na para bang isang gwapong lalaki. Natawa ako nang bahagya. “May date ka ba?” tanong ko. Madalas kasi kapag nag-aayos ng ganito si Danilo ay may babae na naman ‘to. Mukhang nakabingwit na naman. Tumayo nang maayos si Danilo at umiling-iling. “Wala naman. Ikaw? Hatid na kita?” Napakunot ang noo ko. Himala ata? Wala siyang pupuntahan. “H’wag na. Sasakay na lang ako ng pedicab,” tanggi ko. Humarap na ako sa kalsada. “Sige na! Libre rin kita. ‘Di ba gusto mong mapanood yung Wonder Woman?” Sandali akong napatingin kay Danilo. Niyaya niya ba akong manood ng sine? Maraming pera na naman ata ‘to. Pero sayang, na una na si Arvin. “May pupuntahan ako ngayon eh. Sa sunod na lang.” “Saan naman?” nagtatakang tanong ni Danilo. Napatingin ako sa kabiling gilid ko at pumikit nang mariin. Hindi ko nga pala dapat sinabi ‘yon! Kapag malaman niyang manonood ako ng sine kasama si Arvin ay baka sumunod ito! Hindi ko pa nakakalimutan yung panahon na nanood kami ng crush ko ng sine, tapos nagulat ako at andoon din siya. Sobrang hinayaan ko noon dahil crush ko ‘yon eh! Ayokong masira na naman ‘to dahil sa kanya! Sakto naman na mayroon nang papalapit sa aming pedicab. Kinampayan ko agad iyon para lumapit sa akin. “Basta! Alis na ako! May utang ka sa aking isang sine ha!” aniko at nagmamadali na akong sumakay sa pedicab. “Teka, Eloisa!” Hinawakan ni Danilo ang bubungan ng pedicab para hindi iyon makaandar. “Bakit?” “Sasama na ako.” Bahagya akong nakaramdam ng pagkataranta. Eepal na naman ‘to sa love life ko eh! “H’wag nan ga! Uuwe na ako.” “Edi hatid na kita.” Akma itong sasakay na ng pedicab pero tinulak ko siya. “Sige na! Sa sunod na nga lang eh!” Nang makabitaw ito ay agad ko na sinabihan si Kuyang driver ng pedicab na umandar na. Hindi kasi ako titigilan ni Danilo hanggat hindi ako umuoo eh. Narinig ko pa siyang tinawag ako pero hindi ko na pinansin. Sa sunod ko na lang siya yayayaing manood ng sine. Nang makarating ako sa bahay ay nagmamadali na akong nag-asikaso. Habang naliligo ako ay nagsaing na ako para mayroong nang kakainin sila Lola. May dala na akong ulam kaya hindi ko na kailangan pang magluto. Matapos kong asikasuhin ang pagkain nila Lola ay nagbihis na ako. Pinili kong suotin ang bestidang niregalo sa akin ni Lola noon. Isang bestidang asul iyon na walang manggas ngunit matatakpan ang dibdib at hanggang lagpas ng tuhod ko ang haba. Hinanda ko na rin muna ang doll shoes kong hindi ko pa nagagamit bago magpatuyo ng buhok ko sa tapat ng electric fan. Matapos niyon ay sinuklay ko ang buhok ko at ipinuyod. Nilagyan ko iyon ng kolorete na isang malaking bulaklak. Pagkatapos ko ay nagpahid ako polbo sa aking mukha at lipstick sa aking labi. Mukhang kailangan kong mamili ng kahit kaunting pampaganda. Sapat na naman ang aking hitsura pero gusto ko naman mas maging presentable pa para kay Arvin. Kinuha ko na ang mumurahin kong pabango sa itaas ng aking lamesa nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon. Arvin: Hi, Eloisa! Where are you? Nakaalis ka na raw sa karenderya, eh. Napalunok ako. Ibig sabihin ay nagpunta pa siya sa karenderya? Mabilis akong nagtipa sa aking cellphone ng reply sa kanya. Replied: Umuwe muna ako. Hintayin mo lang ako sa may court. Arvin: Okay, I will be there. Agad akong napangiti. Lalong nagwala ang puso ko dahil sa nabasa ko. Ibig sabihin kanina pa niya ako hinihintay? Muli kong sinipat ang itsura ko sa maliit kong salamin. Galingan mo, Eloisa! Dapat may love life ka na pagkatapos nito! natatawa kong sabi sa sarili. Ayokong mag-assume pero pakiramdam ko ay darating na ang pinakahihintay ko. Nang masiyahan na ako ay sa hitsura ko ay lumabas na ako ng silid. May nakalimutan pala ako. Muli akong bumalik sa kwarto ko para hanapin ang pinaka tago-tago kong kwintas na binigay sa akin ni Lola, regalo niya sa akin noong maglabing walong taong gulang ako. Tiningnan ko ang maliit na drawer sa lamesang nasa may gilid ng higaan ko. Kinuha ko ang maliit na box na itim at doon ko nakita ang kwintas na ginto at may hugis na pusong pendant. Sabi ni Lola ay tunay daw na ginto ito, kaya naman ay minsan ko lang suotin dahil baka mawala ko. Isusuot ko ngayon dahil espesyal ang araw na ‘to. Nakangiting lumabas na ako ng silid at naglakad papunta sa sala namin. Bahagya pa akong nagulat kasi nakita kong na andoon si Lolo Tonio at nanunuod sa tv. Si Lola naman ay nagtutupi ng mga dami sa papag nila. “Oh, hija. Saan ang punta mo at ang ganda ng pustura mo?” nakangiting puna sa kain ni Lolo Tonio. Kabadong ngumiti ako sa kanya. “Manonood po ako ng sine, ‘Lo,” paalam ko. “Hindi po ako magpapagabi.” Bahagyang kumulubot ang noo ni Lolo. “Sino ang kasama mo?” Napakagat na ako ng labi dahil nag-umpisa nang magtanong si Lolo. Kahit kasi nasa tamang edad na ako ay hindi pa rin ako nakakaalis ng wala silang permiso, lalo na mula kay Lolo. “Yung mga dati ko pong classmate, ‘Lo. Nagpunta po sila sa karenderya kanina at niyaya ako,” pagsisinungaling ko. Kinagat ko ang likod ng aking labi at lihim na nagdasal na tatanggapin niya ang dahilan ko. “Mag-iingat ka, apo,” ani Lola Bening. “Opo, ‘La.” “Mga babae ba iyon?” seryosong tanong ni Lolo Tonio. Napangiwi na ako dahil alam kong mahaba-habang usapan pa ‘tong magaganap. “Tonio, hayaan mo na ang apo mo. Malaki na ‘yan,” saway ni Lola kay Lolo. Napangiti ako ng kaunti dahil sa kanilang dalawa, kay Lola talaga ako nagiging malaya palagi. “Ano ka ba? Kailangan nating malaman ang mga nakakasama ng apo natin. Mamaya kung ano–” Malakas na bumuntong hininga si Lola Bening. “Hala, Eloisa. Umalis ka na at mag-iingat ka!” ani Lola Bening at kinampay ang kamay na para bang itinataboy ako. Nagtataka pa akong tumingin kay Lola Bening. Ngunit nang maunawaan ko ang ibig niyang sabihin ay nagmamadali na akong lumabas ng bahay. “Inihanda ko na po ang hapunan niyo!” aniko bago tuluyang lumabas ng bahay. Naririnig ko pang nagsalita si Lolo Tonio at nakikipagtalo kay Lola pero hindi ko na sila pinansin pa. Hindi kasi matatapos ang pag-uusap namin kung hahayaan ko lang. Masyadong estrikto si Lolo para sa akin. Pagkalabas ko ay naglakad na ako papunta sa court. Doon ako banda sa may tabi ng simbahan banda para kahit papaano ay malayo-layo sa bahay. Hindi na maipinta ang mukha ko dahil sa sobrang pagkasabik na nararamdaman ko. Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng matinding excitement dahil sa makikipagkita ako sa isang lalaki. Yung pakiramdam ko ay nilalamig ako pero hindi naman. Ewan ko, basta ang bilis nang pagkabog ng dibdib ko. Kinuha ko na ang cellphone ko. Magtitipa na sana ako ng text nang may pumarang sasakyan sa harapan ko. Agad na bumaba ang bintana noon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Arvin. Agad na nanuot sa ilong ko ang mamahalin niyang pabango. Amoy prutas iyon na napaka tamis. “Hi!” bati nito sa akin at kumaway pa. Napalunok ako nang makita ko matatamis niyang mga ngiti. Ilang sandal lang ay para na naman akong na halina dahil sa kanyang presenya. “A-Arvin,” tawag ko sa kanya. Rinig na rinig ko malakas na pagkabog ng dibdib ko. “Lika na?” aniya. “Hope in.” Napalingon ako sa kabilang gilid ng kotse, kusang bumukas ang pinto niyon. Tumango muna ako saka naglakad na sa kabilang parte ng sasakyan. Halos manginig na ang mga kamay ko habang humahawak ako sa pinto ng sasakyan papasok doon. “Are you ready?” makahulugang tanong ni Arvin. Nahihiyang tumingin ako sa kanya. Lalong siyang gumwapo sa paningin ko nang magkalapit kami. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang epekto sa akin nang presensya niya sa akin. “Eloisa?” “Ha?” Natauhan ako nang marinig ko siyang magsalita ulit. Nag-iwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? “Let’s go?” Muli akong lumingon sa kanya at pinilit na ngumiti. “S-Sige.” Tumango na lamang si Arvin at pinaandar na ang sasakyan. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nagbabyahe kami. Lalo akong nilamig dahil sa bukas ang aircon ng sasakyan. Manonood lang naman kami ng sine sa kabilang barangay pero pakiramdam ko ay iaalay na ako. Mayroon kasing maliit na mall sa kabilang barangay at mayroon doong sine. Hindi naman kalayuan ang iyon at wala pang kalahating oras ang byahe, lalo na at nakakotse kami mas mapapadali ang byahe namin. Para mabawasan ang kabang nararamdaman ko ay tinuon ko na lang ang pansin ko sa kotse. Hindi naman ito ang unang beses kong makasakay ng sasakyan, pero sa ganitong kagandang sasakyan ay ngayon lamang. Magara ang kotse ni Arvin hindi gaya ng kotse ni Mano Cesar, doon kami sumasakay kapag napunta kami sa sentro. Mayroong maliit na screen sa may dashboard, kagaya sa mga napapanood kong kotse sa kdrama. Pakiramdam ko tuloy ngayon ay nasa kdrama na rin ako. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa mall. Bumili muna si Arvin ng popcorn at softdrinks bago kami dumeretso sa sinehan. Tinatanong niya ako kung ano ang gusto kong panoorin. Hindi ko rin alam dahil mukhang mas maganda pa kung siya na lang ang papanoorin ko kaysa sa mga palabas na andito sa takilya ngayon. Halos manginig na ako sa lamig sa loob ng sinehan nang makapasok kami. Halos kalahati lang ang laman ng sine ngayon. Napili naming maupo sa may pinakatuktok ng mga upuan kaya naman ay kitang-kita namin ang ibang mga manonood. Halos lahat ay magkakapareha, mayroong magkakagrupo. Huli na nang mapansin ko na isa pa lang romance story ang pinili ni Arvin. Hindi ko inakala na gusto niya palang manood ng mga ganito. Habang na nanonood kami ay hindi rin ako makapagpokus sa pinanood namin. Kahit kasi may pagitan ang upuan naming ni Arvin ay nakasandig naman siya papalapit sa akin. Kaya naman ay magkadikit na magkadikit tuloy ang mga braso namin. Nahihiya naman akong umusod dahil baka sabihin niya ayokong madikit sa kanya. Madalas ay nililingon ko siya, mas gwapo talaga siya kapag malapitan. Kitang kita ko ang hulma ng matangos niyang ilong. Ang sarap pisilin. Bahagya pa akong nagulat noong bigla siyang lumingon sa akin. Halos ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa kanya kaya naman ay napaupo ako nang maayos. Deretso akong tumingin sa harapan namin, na pinagsisihan ko dahil may nakita akong naghahalikan na magkasintahan. Nag-init agad ang magkabilang pisngi ko. Bakit ba kasi rito pa nila na isipang gawin ‘yan? “Eloisa,” tawag ni Arvin. Agad akong napalingon sa kanya. Nakatitig na pala siya sa akin kaya naman ay pilit kong ngumiti kahit na nagwawala na naman ang puso ko. “Bakit?” “Ahm… do you want to go to my place?” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil sa tanong niya. Tama ba ang pagkakaintindi ko? Niyaya niya akong pumunta sa bahay niya? “Ha?” naglilito kong tanong. Nahihiyang ngumiti si Arvin. “Don’t get me wrong. Kanina ko pa kasi iniisip kung saang restaurant kita dadalhin. Kaso, I don’t know where dahil alam kong mas marap ang mga luto mo sa kanila.” Napangiti ako sa sinabi niya. “S-Salamat.” “So, you want? Na isip kong lutuan na lang kita.” Nagkibit ng balikat si Arvin. “Maybe my cook will pass your tastes.” Muli akong tumingin sa aming harapan. Huminga ako nang malalim at napakagat ng labi. Hindi ko alam pero mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko. Alam ko na hindi tama na sumama ako sa bahay niya dahil lalaki siya. Mariing bilin iyon sa akin ni Lola. Pero… “Sige,” nakangiting tugon ko sa kanya.     © 02-25
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD