SAM'S POV Nandito ako ngayon sa amusement park pagkatapos kong kausapin si Josh. Naka upo at naka sandal sa ilalim ng puno. Pinagmamasdan ang paligid. Purong masasayang awra lang ang nakikita ko. Mga batang nag lalaro, pamilyang masayang kumakain at mag jowa na nag kwe-kwentuhan. Nanonood lang ako sa kanila ng may isang matandang nasa mid 70's ang lumapit sa pwesto ko at huminto sa harapan ko mismo. "Hija? Gusto mo bang mag pahula?" Tanong nito sa akin. Tinitigan ko muna ito saglit saka marahang tumango. Ngumiti lang ito sa akin saka kinuha ang kanan kong kamay at pumikit. Tumagal lang ng tatlong minuto ang panghuhula nya saka pabagsak na ibinalik sa akin ang aking kamay na ikinataka ko. "Why?" Halo halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya. Lungkot, takot, pagka dismaya. "M-ma

