SAM'S POV Sumiksik ako sa mga estudyanteng nag kumpulan para makita ko ng mabuti kung ano ang tinitingnan nila sa loob ng stock room na ito. Sumalubong kaagad sa akin ang patay na katawan ng isang babae na naka sabit sa ceiling ng stock room, laslas ang pulsuhan nito at maraming kalmot ng kuko sa mukha at napaka daming saksak sa katawan. Mulat na mulat din ang mga mata nito habang naka sabit. Tinitigan ko ng mabuti ang bangkay at napag tantong bago pa lang ang sugat nito. Sa tingin ko hindi pa umabot sa 30 minutes ang pag patay dito ng kung sino man. Pinag masdan ko ang paligid para mag hanap ng kung ano man ang pwede kong makita dahil alam kong hindi maayos ang pagkaka plano at pag patay sa estudyanteng ito. Base on my observation, the perpetrator doesn't have any choice but to put t

