SAM'S POV Nandito ako ngayon sa taas ng isang puno sa gilid ng isang old building na kaharap lang ang malaking field at nag papahangin. Hindi ko kasi mahagilap ngayon si Cris. Tsaka sobrang daming mga puno dito, may isa pa dun kaharap naman ang gubat kaya dito ko na lang pinili dahil nakakatamad mag lakad ng malayo. Ewan ko kung san nag sususuot ang babaeng yun. Kita ko din dito ang mga students na nagsasaya, sumasali sa mga palaro at ang daming booths. Yung iba ay nag se-selfie, nag aasaran at nag pa-pacute sa mga boys. 2nd day na ngayon ng festival since kahapon nag start at napakaraming tao sa field. Mabuti na lang at medyo malayo ang pwesto ko sa mga ito. Ano ba kasing maganda jan sa pageant na yan at halos lahat ng babae ay mahilig sumali sa contest na yan? Tsk! Kinakabahan tulo

