Nagising ako dahil sa masakit na katawan. Nang magmulat pa ay napansin kong maliwanag na ang paligid sa suite. Umaga na? Napatingin ako sa orasan mula sa bedside table, alas siete na pala. Hindi ko akalaing napahaba ang tulog ko. Kaya ganoon na lamang din kumalam ang aking tiyan. Akmang tatayo ako nang maramdaman ko ang kakaibang sakit sa gitna ng dalawang hita ko, saka ako napangiwi nang may ma-realize. Hindi lang dahil sa pagod ko magtampisaw kahapon kung bakit ganito ako katagal na nakatulog, kasi literal na napagod ang buong katawang lupa ko. Halos mag-init ang mukha ko nang maalala ko iyong kagabi. Kami ni Fabian... dito sa mismong kama... habang ginagawa ang bagay na iyon. Nanlaki ang mga mata ko, animo'y sinampal ng katotohanan at gusto kong tumili— na hindi alam kung para sa k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


