“G-Good morning…” nauutal kong bati kay Trivo kinaumagahan. Nang maimulat ko kasi ang mga mata ko, saktong nakita ko siyang nag-aayos ng kurbata. Nakaharap siya sa bintana suot ang all white niyang attire. Hindi siya humarap sa akin ngunit narinig ko naman ang kaniyang sagot. “Morning.” “Business matters uli?” He nodded. Wala naman akong naging kakaibang reaksyon dahil wala namang bago sa dahilan kung bakit siya aalis. Literal na mas busy siya sa business matters kung ikukumpara kay Trino. Hindi lang niya nakukwento sa akin ang iba pang mga detalye pero tingin ko, siya na iyong talagang tagapagmana. Medyo kakaiba lang ang dating nito sa akin dahil madalas, iyong panganay talaga ang prefer ng magulang para rito. Siguro mas nakitaan lang talaga si Trivo ng potensyal,

