He’s unbelievable. Pilit na akong umiiwas dahil batid kong lasing na siya at baka hindi lang ito ang magagawa niya. Ang aga-aga, nasa alas diyes pa lang ng umaga ay lasing na? Sana pala hindi ko na lang siya nilapitan at sinubukang kausapin. Sana pala hindi na ako naglakas-loob para lang sumubok sa planong walang kasiguraduhan. All I want is to get out from his grip and run away from his monstrous confrontation. Tila hindi na niya kontrolado ang sarili niya. Bumibigkas na siya ng mga salita na sa ngayon ay ayaw na ayaw kong marinig. Binaba ko ang tingin sa kamay niyang nakahawak sa aking palapulsuhan habang siya ay ramdam kong nakatitig sa akin. Bagaman may halong amoy ng alak, amoy na amoy ko ang panlalaki niyang pabango na ibang iba sa nakasanayan ko kay Trivo. It’s so manly and

