Bumalik ako ng mansion nang bagsak ang balikat. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa kong manakit ng damdamin at nagkataong hindi ko pa talaga napigilan ang sarili ko. Am I wrong? Mas pinili ko lang namang umiwas kanina. Hindi ko intensyon na saktan siya dahil ang sadya ko ay magkaroon ng tahimik na paligid at kapanatagan ng loob. I never meant to offend him. Wala sa plano ko na saktan siya at iparamdam sa kaniya na deserve niya ‘yong treatment na ipinapakita ko. Umupo ako sa sofa rito sa sala nang nakaharap sa main entrance. Dito muna ako para maabangan ko siya at malapitan. Hindi ko palilipasin ang araw na ito nang hindi man lang kami nagkaka-ayos. Hindi ko hahayaan na lumipas ito nang binabagabag ako at ginugulo ng konsensya ko. Hangga’t maaga at maaari, mas nararapat na ayu

