Bukas na ang engagement party. I am supposed to be excited yet I feel nothing. Wala akong pakialam. Parang wala lang sa akin. Halos isang linggo na rin kaming lihim na nagtatagpo ni Trino. Sa mga panahon na iyon, pilit din naming sinusulit ang bawat pagkakataon nang puno ng pag-iingat. Maliban kasi sa natatakot akong mahuli kami, ayaw kong makaramdam si Trivo. Wala akong ideya kung may napapansin siya sa kilos o pagbabago ko pero sana naman ay hindi ganoon kahalata. “Trino! Dahan-dahan!” sigaw ko nang biglang bumilis ang takbo ni Vrado. Lalo akong kumapit sa lubid habang ang labi niya’y nakabaon sa aking batok. “Hindi ka pa ba nasanay? Vrado could handle us,” he responded in a husky voice. Paulit-ulit din yata akong kikilabutan dahil sa boses niya. Kahit na hindi na ito bago sa

