Sinunod ko ang bilin niya. Hindi na ako lumabas dahil nanatili na lamang ako rito sa loob ng kwarto niya. Marahan kong tinahak ang daan patungong balkonahe kung saan ko siya nakikitang nagkakape noon. Pahuhupain ko lang ang biglang bugso ng damdamin dahil sa nasaksihan ko. Sinong hindi magugulat doon? He’s almost naked. Pangalawang beses na ito at nangangako akong hindi na ito mauulit. Nang marating ang balkonahe, sumalubong ang bahagyang haplos ng hangin. Hindi ito gaya ng balklonahe sa kwarto ko dahil mas malawak ito at may access sa ibang anggulo. Makikita ang garden, ang gate, ang daan patungong rancho, gayundin ng kwadra. Nang iliko ko pa ang tingin ko sa gilid ay nakita ko ang ilan pang mga balkonahe at isa na roon ang mula sa aking kwarto. Napalunok-lunok ako nang makita iyon. I

