Pumunta na kami sa loob at kaagad na naaninag ko ang mukha ng lalaking sobrang sungit. Nakasuot ng puting polo na nakatupi hanggang braso niya. Ang guwapo pero 'di ko kayang tingnan dahil nabibuwesit ako.
"What is she doing here?" untag niya. Kaagad na ngumiti naman si Landon at hinila ako para makatabi siya. Nagulat pa ako nang akbayan niya ako. Kita ko ang pagtaas ng kilay nu'ng Aidan.
"She's my employee now," sagot ni Landon at ngumisi sa 'kin. Mahinang piningot ko naman ang puwet niya. Sakto lang na hindi mapansin ni Sir Aidan. Kaagad na napangiwi siya.
"Ano ba'ng nangyayari sa 'yo?" tanong ni Sir Aidan kaya kaagad na lumayo ako kay Landon. Mukhang gagawin na naman akong katatawanan mamaya.
"Are you sure you can handle him? Sigurado ka na ba sa desisyon mong magtrabaho sa kaniya?" panganglaro nito. Seryosong tumango naman ako para makita niyang sobrang dedicated ako sa trabahong 'to. Tila may pag-aalangan pa siya.
"Kung natatakot kayo at baka matulad lang ako sa mga employee niya noon huwag po kayong mag-alala. Hindi po uubra sa 'kin ang mukhang 'yan," wika ko. Kita ko pang doubtful siya.
"Kung ayaw niyo pong maniwala wala na po akong pakialam. Sa kaniya po ako magtatrabaho hindi sa inyo," dagdag ko pa.
Kita ko pa ang bahagyang pagtaas ng kilay niya.
"How rude," komento niya at tiningnan si Landon na nakapamulsa lang.
"See?" aniya. Isa pa 'tong kolokoy na 'to eh. Ewan ko ba kung bakit naging magkaibigan sila nitong lalaking pinaglihi siguro sa sama ng loob.
"Let's get inside," anito.
"Wear your skullguard at medyo delikado pa sa loob. Baka mahulugan ka ng bakal sayang naman. Kakarampot na lang alam mo mawawala pa," ani Landon at mabilis na umalis. Naiwan naman akong napahawak nang mahigpit sa cap. Nakasunod lang ako sa kanila at kita ko pa ang panaka-nakang tingin ni Landon sa 'kin. Kaagad na inirapan ko nga.
"Ang sexy mo talaga Menchie," aniya. Rinig ko naman ang pagpeke ng ubo ni Aidan. Talagang sinamaan pa ako ng tingin. Itinaas ko ang aking kamao at ipinakita kay Landon. Pinakyuhan ko siya ulit kaya napahalakhak siya. Nawi-weirdo-han namang nakatingin si Aidan sa 'min.
Ilang oras din ang ginawa nilang pag-inspection bago kami pumunta sa tent sa labas. May mga pagkain na roon at kumakalam na ang sikmura ko sa gutom.
"Hungry?" tanong ni Landon sa 'kin. Busangot na tumango naman ako. Hindi na ako nakatiis kaya kumuha na ako ng isang sandwich sa mesa at juice. Himala naman at wala akong narinig na reklamo mula sa kaibigan ng tukmol na 'to.
"Kain ka lang at may pag-uusapan pa kami ni, Aidan. Anyway, may isenend ako sa messenger mo paki-open," utos niya. Abala silang dalawa sa kanilang pinag-uusapan.
Kahit na alangan ay tumango naman ako sa utos niya. Hindi ko nga alam kung ano itong isenend niya at minamadali niya rin ako.
"That's a voicemail pakilakasan na rin," wika niya. Sino ba naman ako para humindi 'di ba? Kaagad na binuksan ko iyon at nanlaki ang aking mata. Ang lakas ng boses ng babaeng umuungol. Hindi ako makagalaw at nakatingin lang kay Aidan na tila nagulat din. Mabilis na ini-off ko ang aking cellphone at inis na tiningnan si Landon.
"Loko-loko kang bwesit ka ah!" mura ko sa kaniya. Tawa lang siya nang tawa. Nakakahiya sa iilang trabahante na nakarinig. Pakiramdam ko ay sobrang pula ng aking mukha. Kita ko rin ang bahagyang pagtawa ni Aidan sa reaksiyon ko. Walang hiya sumali pa talaga. Buti na lang guwapo siya.
"Nakakatuwa 'yon ha?" asik ko.
"Kumain ka na, lalo kang nagagalit kapag gutom eh. Baka mamayat ka sayang ang malaki mong dibdib at baka mabawasan," ani Landon at kinindatan ako. Nahigit ko ang aking hininga at inis na naikuyom ang aking kamao.
Papayag ba talaga akong pahiyain ng isang kalahi ni Adan? Isang lalaking wala namang alam kung hindi puro kalibugan ang utak? Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa kaniya at nang dumako ang tingin ko kay Sir Aidan ay kaagad na natigilan ako. Kaswal na nakatingin lang siya sa 'kin at tila amuse na amuse. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya at mabilis na kinuha ang pagkain ni Landon sa plato niya.
"A-Akin na 'to, masiyado kang bully. Hindi kita inaano loko-loko ka," wika ko. Natawa lamang siya.
Matapos nga naming kumain ay umalis saglit si Landon para makipag-usap sa mga trabahante. Natahimik naman ako sa gilid at nahirapan pang lunukin ang pagkain dahil kami na lang ni Sir Aidan ang nandito. Pilit na iniiwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil nao-awkward ako.
"Are you really sure you want to work with him?" tanong nito. Kaagad na natigilan naman ako sa tanong niya.
"A-Ano po ang ibig niyong sabihin?"
"He's not the man you think he is, Ms. Dela Cruz. But surely he is a good man. I'm sorry if I was so rude to you. Jinudge ko kaagad ang kakayahan mo base sa kung ano ang nakikita ko sa records mo," aniya. Natahimik naman ako at nilingon siya.
"Na hindi mo dapat ginagawa. Kasi hindi lahat ng tao pareho. Iba-iba tayo ng pinagdadaanan. Pero hindi rin kita masisisi kasi marumi talaga ang reputasiyon ng kaibigan mo sa mga empleyado niya. Particularly sa mga PA niya. Kung natatakot kang baka matulad ako sa mga nangyari sa mga nauna niyang PA huwag kang mag-alala dahil hindi mangyayari 'yon," saad ko.
Ngumiti naman siya nang tipid sa 'kin.
"I know, based on what I saw and hear earlier parang ngayon lang din siya naging casual at mapaglaro sa empleyado niya. He's always like that kapag komportable siya sa kasama niya. You can even curse him to death pero tumatawa lang siya. That's good, looking at your physical appearance I'm sure he will not be interested in you," komento niya.
Natigilan naman ako sa sinabi niya at napakurap-kurap. Isa pa 'tong body shamer eh.
"Grabe ka naman! Dahil sa chubby ako kaya ganoon ha?" untag ko at sinamaan siya ng tingin.
"Sorry, I never mean it the bad way. Anyway, Landon is always attracted to model-like bodies. Mas mabilis siyang ma-attract sa babaeng petite at matangkad. However, I am his opposite," bawi niya. Kaagad na napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Mukhang nagpaparinig sa 'kin ah. Na-attract yata sa kagandahan kong taglay. Inayos ko ang nakausling iilang hibla ng aking buhok. Natawa naman siya.
"I never said that I like you, okay?" bawi niya.
Napanganga naman ako at inirapan siya.
"Asa ka rin, guwapo ka lang. Pero hindi kita type," sagot ko. Kaagad na nagtagpo naman ang kilay niya.
"Hindi ko rin naman sinabing hindi ako maa-attract sa 'yo," aniya kaya napipilan ako. Seryoso ba siya?
"Mukhang okay na kayo ah. I'm glad, so glad. Pagpasensiyahan mo na rin itong kaibigan ko, Mench. Masiyadong istrikto eh kaya hindi nagkaka-girlfriend. Hindi niya naa-appreciate ang essence ng mga babae dahil sa sobrang istrikto niya. Bud, magbagong buhay ka na. Enjoy your blessings, nasa tabi-tabi lang naman sila at naghihintay na pansinin mo. This is coming from the god of manhood," aniya at tila proud na proud pa.
Nangasim yata ang panlasa ko sa loko-lokong 'to. Ang hangin masiyado. Kita ko naman ang pag-iling ni Aidan.