HB-39

2059 Words

Nakaupo lang ako at hindi ko alam ang gagawin. Ilang sandali nga ay pumasok si Angel at mama. Umupo sila sa harapan ko at nakataas ang kilay. “Ano?” tanong ni mama. Tiningnan ko naman sila at huminga nang malalim. Kasi alam ko namang kasalanan ko. Hindi ko alam kung paano humingi ng tawad sa kaniya na hindi siya nao-offend. “Ayan tayo eh, sanay kasing siya ang sinusuyo ano na ngayon?” asik ni Angel. “Hindi naman sa ayaw ko kay, Aidan talagang botong-boto lang ako kay, Landon. Ayaw ko rin na tinatrato mo ng ganiyan ang jowa mo, Menchie. Ngayon ano na ang gagawin mo? Mukhang mabigat ang loob ni, Landon na nagpaalam kanina,” wika ni Mama. Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot kaya umiyak na lang ako. Natahimik naman silang dalawa. “Grabe, ang pangit umiyak. Pati uhog ano ba ‘yan?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD