Ngayon ang araw ng paghaharap ng pamilya namin. Namamanhikan na si Landon at talaga namang walang sinayang na panahon ang walang hiya. Tunay ngang tinotoo ang sinabi niya. Pagdating namin sa restaurant ay kita ko ang mangha sa mukha ni mama. Ang step-father ko naman ay seryoso lang kunwari pero talaga namang excited din ‘yan. Si Angel naman ay kunwari ring composed pero ang totoo kinakabahan na kasi isa itong fine dining. Ako naman ay nilalakasan ang loob at wala akong ibang magandang maisip. “Grabe Menchie,” ani Mama. Ganito ang set-up namin dahil nakiusap ako kay Landon na kung puwede ay secret wedding na lang muna ang gagawin namin. Ayaw kong maka-cause ng kung ano pa man sa buhay niya. Matagal bago ko siya napapayag. Pero kailangan niyang pumayag sa gusto ko. Secret wedding o wala?

