This noise.
This crowd.
This people.
And the party.
There’s no better way to get over with this s**t happens into my life.
I’m gonna live like there’s nobody sees me.
I’ve never been in this such kind of party in my life, and I’m freaking enjoying this so far.
I want to break free and be a good girl no more!
Who cares? I’m not a child anymore. I can handle my damn self and not needing anybody else.
“Who’s ready for the party?!”- Sigaw pa nung lalaking nakatayo sa taas ng lamesa.
Sinagot naman siya ng mga hiyawan ng mga tao rito sa house party ng boyfriend ng best friend ko. Never thought this could be so much fun. After what happened yesterday, it gotten worse tonight!
But I wouldn’t let them ruin my whole night. They’re not the only ones who owns this place though.
That freaking jerk and her w***e? Huh! Magsama sila! Parehas silang mga pangit!
“Sis, are you sure na okay lang na iwan kita rito?”
“Oo naman! Enjoy your night din. Saka birthday celebration ito ng boyfriend mo di ba?”-Sikat na basketball player ang boyfriend ni Vana. At ganoon rin ang ex-boyfriend ko na ngayon matapos kong mahuling nakikipaglandian sa shower area nila kahapon matapos ang final game. At hindi pa doon nagtatapos! Nakita ko lang naman din sila ngayon dito na magkasama! Kakapal!
“I’ll be right back, I’ll tell Dylan I will just be with you.”
Pero pag-alis niya, kaagad na akong umiskapo para naman makapagsaya rin.
Kinuha ko kung ano mang inumin na makita ko at kaagad na iniinom habang nakikipagsabayan sa saliw ng mga tugtog na tila walang pakialam sa kung sino man ang mabangga ko at makasayaw ko. Uminom ako ng alak sa pagkahanggang gusto ko at nagsaya sa buong gabing ito, hanggang sa mawala ang sakit ng nararamdaman ko.
This gonna be the best and worst night ever!
“Ugh! My head.”
Ayan na lamang ang nasabi ko ng mapabangon ako. Hindi ko alam pero feeling ko, may isang toneladang nakapatong sa ulo ko.
“Good morning.”
Out of nowhere kong narinig. “Good morning.”
Napabaligwas ako ng bangon ng makita ko ang isang pamilyar na gwapong mukha na walang saplot pang-itaas at nagmumura ang abs na nakaupo sa paanan ng kamang hinihigaan ko. “A – anong ginagawa mo rito ha?”
“I should have ask you that. This is my room.” Pa-cool niya lang na saad at nilibot ko naman ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Hindi nga ako pamilyar sa kwarto na ito, pero anong ginagawa ko rito? Bigla akong nakaramdam ng sakit ng buong katawan lalo na sa ibabang parte.
May bigla siyang binato sa akin at ng kuhain ko ay mga damit ko pala iyon. Sh*t!
“Get dress, there’s a breakfast downstairs.”
Sh*t!
Am I really with Travis for the whole freaking night?
Yeah, he is Dylan’s best friend. I knew he was also in the party last night but I don’t remember that I’ve talk to him. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta sa kwarto niya at wala ng saplot. Hindi kaya --- Argh! Obviously Cleo! Sinuko mo kaagad ang Bataan sa hindi mo pa boyfriend?!
After that, he insisted to take me home but I refused. Parang hindi ko na yata kakayaning makasama pa siya dahil wala na kong mukhang maihaharap! Ano nalang sasabihin ko kay Vana kapag nalaman niyang may nangyari sa amin ng best friend ng boyfriend niya. Hays.
Matapos ang ilang linggo, iniiwasan kong makipagkita kay Dylan, mahirap na at baka magpangita rin kami nung Travis na yun. Ni hindi na kami nag-usap matapos ng lahat. Wala rin akong pinagsabihan. Umiiwas akong sumama sa mga gala nila Vana at Dylan dahil paniguradong baka naroon din si Travis.
Tuwing uwian, sinasadya kong mauna na kay Vana sa pag-uwi dahil alam kong kikitain pa niya muna si Dylan at palaging magkasama sila ni Travis. Doon ko rin siya nakilala pero hindi naman kami nagpapansinan. Kilala ko lang siya kasi third wheel din siya.
Isang hapon, sa kamamadali kong makalabas ng school, hindi ko namalayang may patawid na lalaki kaya kaagad kong iginilid ang kotse ko at ibinangga ko na lamang sa pader kaysa makaaksidente pa ko ng ibang tao. Matapos noon ay wala na akong ibang maalala kundi pagkabangon ko ay maliwanag at puro puti lang ang nasa paligid. Nasa langit na ba ako?
May naririnig akong nag-uusap sa hindi kalayuan sa akin kaya bumangon na rin ako. “Oh, gising na rin naman pala siya.” I think this is the doctor.
“What happened?” at kaagad akong napatingin kung sino ang kausap ng doctor.
Holy cow! Si Travis!
“You had an accident. Sino ba kasing may sabi sa’yong banggain mo yung pader?” Sarcastic naman niyang komento sa akin pero hindi ko siya pinansin.
“Well, your vitals are stable now. You had your first aid. But please be careful next time miss, especially in your very sensitive condition now.”
“Sensitive condition?”
“You’re pregnant.”
“What?!”
Sabay pa naming sigaw ni Travis na tila pareho kaming nabigla sa narinig. This can’t be happening!
Hindi ko malaman kung prank lang ba ito o ano?
Pagkalabas ay hinatid pa ako ni Travis, ni hindi ako makagalaw sa loob ng kotse niya. Ni hindi rin naman siya nagsasalita.
“You cannot drive now. I’ll pick you up tomorrow morning for school.”
“Huh?”
Tumingin naman siya sa akin. “I won’t run away, don’t worry. If you need me to how you will gonna explain it to your parents, I’ll be there with you.”
“Huh?!” Does he already assumed that this is his child?
“See you tomorrow” He leans on me that he’s about to kiss me but then –
“Wait?! Anong ginagawa mo?”
“That’s how you treat your child’s father?”
“A father?”
“I know it’s mine.”
I can’t deny that Travis is really a good person. After finding out that he impregnated me, he never leave by my side. He always takes care of me and even giving me something I don’t have to ask for. People around us are thinking that we’re already dating, and I had no choice but to tell them that it is. Even though I really don’t know what’s the status of our relationship as of now.
But as time goes by, I thought I could refuse to something I’m really avoiding about. Nahuhulog na yata ang loob ko sa kanya pero alam kong wala pa rin akong karapatan.
“Hoy napapadalas ko kayong nakikita na magkasama ni Travis ah. Nagde-date na kayo noh?!”
“Hmm kinda.”
“Talaga? Akala ko kasi may girlfriend siya kaso nasa ibang bansa.”
“Talaga?” Tila hindi ko malaman kung bakit bumilis ang t***k ng puso ko at nakaramdam ako ng panlulumo.
“Hindi ko lang alam ah, baka break na?”
Hindi ko rin malaman kung bakit tila nasasaktan ako. Parang hindi ako makapaniwala.
Pinuntahan ko si Travis sa football practice niya at sa hindi ko inaasahan, nakita ko siyang nakikipagusap sa isang babae. Malayo palang tanaw ko na sila. Lalapit sana ako ng kaunti pero bago pa man ay niyakap na kaagad siya ng babaeng iyon. Hindi kaya ito na ang girlfriend niya at nagbabalik na sa kanya?
Nakaramdam ako ng p*******t ng tiyan ko at kaagad ko itong hinimas. Ang unang pumasok sa isip ko ay paano na kami ng anak ko?
Travis:
Why aren’t you answering me?
Where are you?
Cleo, galing ako sa room mo kanina, hindi ka raw pumasok? Is everything alright?
Hindi ko naman magawang sagutin ang tawag at text messages niya. Parang hindi ko na kayang humarap pa sa kanya sa kabila ng mga nalaman ko sa kanya.
Dapat ko pa ba siyang gabalain?
Tama nga kayang iwasan ko nalang siya?
Ang totoo, nami-miss ko na siya, at aminado na ako ngayon na nahulog na rin ang loob ko sa kanya. Hindi lang dahil mabait siya sa akin at maalalahanin para sa akin at sa magiging baby namin, kundi yung buong pagkatao niya ang talagang nagustuhan ko.
Pero ngayon, tingin ko hindi tamang itali ko siya sa responsibilidad na alam kong hindi rin naman niya sinasadya. May sarili din naman siyang buhay at hindi ko rin naman hinihiling na suportahan niya ako sa anak namin. Kaya ko naman buhayin mag-isa ang magiging anak ko. Kilalanin man niya ito o hindi, anak ko pa rin ito, mahal ko pa rin ito.
Napagdesisyunan kong sasabihin ko na sa mga magulang ko ang totoong sitwasyon ko, alam kong magagalit sila sa akin, nakahanda na ako doon.
Pagkapasok ko palang sa bahay, hinanap ko kaagad ang parents ko pero sabi sa akin ng isang kasambahay namin ay may kausap na bisita at iniintay nila ako.
“Ma, pa?”
“Oh anak, narito ka na pala? Kanina pa kami nag-iintay sa’yo eh.”
Laking gulat ko ng humarap sa akin ang kanina’y nakatalikod na bisita namin. Si Travis.
Bumungad siya sa akin ng nakakapanglaglag salawal na ngiti –ay este! Magandang ngiti pero tila hindi ko ito nagugustuhan.
“Halika rito.” Pagtawag pa sa akin ni mama at naupo naman ako sa tapat nila katabi si Travis.
“Alam na namin anak. Medyo nagtatampo lang kami ng mama mo na may bago ka na palang boyfriend hindi mo man lang nabanggit sa amin.” Saad pa ni papa.
“I’m sorry po. Pero –“
“At ano na ba talagang plano niyo diyan? Ilang buwan na ba yang tiyan mo, anak?”
“Po?”
“Three months na po. I’ve already told them about us and our baby. I’m glad you’re parents accepted me and our situation. I’ve already told my parents too about it at first and they want them to meet you and your family to talk about this.”
“What?!”
Teka teka? Nabibingi na ba ako? Naguguluhan at nawiwindang na ako ah?
“Mabuti naman kung ganoon hijo. Siguro bukas maaari na namin kaagad kayo makausap regarding this matter.”
“Wait lang po ma, pa ah?”
Hinigit ko si Travis palabas sa bahay namin patungo sa garden, at sumama lang siya sa akin ng walang pagaalinlangan.
“What are you doing?”
“Why are you avoiding me? Ilang araw na akong hindi mapakali dahil ni text, hindi ka man lang nagpaparamdam. Pinagtataguan mo ba ako? I had no choice kundi puntahan ka na dito sa bahay niyo at ipaalam na sa parents mo ang sitwasyon natin.” Tila siya pa ang galit sa mga nangyayari.
Napalunok naman ako at lihis ng tingin sa kanya. Alam ko mali rin na hindi ako magpaalam sa kanya. “Alam ko naman yun pero bakit kailangan mo akong pangunahan?”
“As I told you, I have no choice. I need to see you. I need to know what’s happening on you. Baka may kung ano na palang nangyayari sa’yo at diyan sa bata.” Pagturo pa niya sa tiyan ko.
“Pwede ba Trav, huwag kang magpanggap. Alam kong concern ka lang sa akin dahil nagu-guilty ka na nabuntis mo ako kahit hindi mo naman talaga ako gusto! Ganyan ka lang sa akin dahil sa bata. And I never ask you to be like that. Kaya ko naman ang sarili ko at ang magiging anak ko eh.”
“Who told you that I don’t like you?”
Napatingin naman ako sa kanya.
“You know what, ever since I’ve met you, I know that there’s something about you that makes me feel unconscious. Napakasuplada mo kasi dati pa man. Ni hindi ka malapitan o makausap man lang. Alam kong may boyfriend ka noon, pero gusto ko lang din naman makipagkaibigan sa’yo eh.”
“Pinagsasasabi mo?”
Ang totoo hindi ko inaasahang marinig sa kanya yan. Hindi kasi siya yung tipong showy na tao. Siya nga yung akala ko suplado noon kasi panay tingin lang siya sa akin, ni hindi naman nagsasalita. Kaya dedma lang din naman ako o iwas nalang para hindi awkward.
“Akala ko, simpleng admiration lang ang nararamdaman ko hanggang sa naging crush na pala kita. Pasimple pa akong nagtatanong kay Vana tungkol sa’yo. At noong nakita ko noong gabi ng birthday party ni Dylan ang ex-boyfriend mo na may kasamang iba, gusto ko sana siyang gulpihin sa harapan ng maraming tao eh. Pero nakita kita sa sulok, tahimik lang na nakamasid sa kanila. Umiiyak pero kaagad mong pinupunasan para walang makakita. Doon ko na-realized na -- wala pa rin pala akong karapatan. Pero sa totoo lang, doon ako nakasilip ng pagkakataong mapalapit sa’yo.”
Hindi ko alam pero dalang-dala ako sa mga sinasabi niya sa akin. Tila ang sarap pakinggan ng tinig niya ngayon.
“But to be honest, I never expected that we’re gonna get that far. I was also drunk and I’m about to take you home because you were really wasted, but then it turned out that we gone straight to my house. Believe me, I tried my best to resist you but then you kissed me.”
“Seriously?” Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. Pero mukha naman talaga siyang convincing.
“Yes you did. Because you were thanking me for taking you home but then it was our home. And it’s really hard to resist your lips. I never meant to do that to you. Trust me, I tried to refuse and resist you.”
“Tama na! Oo na! Ako ng may kasalanan kung bakit tayo humantong sa ganito. Huwag mo ng ipamukha ang paglalandi ko sa’yo kaya nabuntis mo ako, okay?!”
“But –“
“I know you had your own life too before I came into you and ruined everything. We’re both didn’t even see it coming. But I never wanted you to stop the things you used to do. I never wanted you to hurt anybody else just because of me and my baby. Malaya ka naman sa mga gusto mong gawin sa buhay mo eh. Malaya ka naman sa mga taong gusto mong mahalin. Alam ko nagbalik na ang girlfriend mo, at siguro mauunawaan din niya ang sitwasyon natin kung ipapaliwanag mo lang sa kanya ng maayos.”
Hindi ko alam kung bakit ko sinasabi ito pero sa totoo lang, nadudurog ang puso ko ngayon.
“I never have her back. Yes, I broke up with her from the moment I felt there’s something happened between us that night. But she doesn’t let me. But still, I insisted to leave her when I found out that we are having a baby now. This is the best decision I ever did.”
Hindi ko alam pero parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang lahat mula sa kanya mismo. Hindi ko akalaing magagawa niya ang mga ito para lang sa akin.
“Pero di ba sa football field –“
“Yes, she came to me to think that she can still have me back but then I refused and told her about us. I told her the truth and -- everything I feel for you, Cleo.”
Hindi ko naman malaman pa kung anong dapat kong sabihin. Alam kong nagkamali ako na iniwasan ko kaagad siya na hindi man lang naririnig ang mga paliwanag niya. Ang totoo kasi, natatakot ako ng sa kanya mismo manggaling na hindi naman pala talaga niya akong kayang panindigan at ang concern lang naman talaga niya ay ang baby sa sinapupunan ko.
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. “I never do that just because we’re having a baby, I do such things because I love you and our baby.” Sabay halik pa niya sa noo ko na damang-dama ko ang init sa pakiramdam ng pagmamahal niya.
“And I love you too, Trav.”
He kissed me deep down to my lips and I can’t help but to smile between our kisses.
“So, you have no choice but to marry me too?”
“Hmm, let me think of that first.” Pagpapakipot ko pa.
“Oh come on!”
At niyakap ko nalang siya sa saya ko. Hindi ko akalaing ang blessing na binigay sa akin ng diyos, may bonus pang anghel.
The End..
All rights reserved 2016
Irah Punzalan (Koolkaticles)