Chapter 4

1350 Words
After that day, I decided to take a break from Levi's life. Sino ba naman ang gugustuhin na pasukin pa ang buhay nya kung ganoon katabil ang dila nya hindi ba? Walang preno at napaka-arogante. Fvck! Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang pagkakapahiya. Why did I even let him see how vulnerable I was? Para lang tuloy pinatunayan ko sa kanya na isa akong mahina tulad ng sinabi nya sa akin the first time we met again. Isa pa, nakailang pain relief patch ako para lang mawala ang pananakit ng likod ko dahil sa pagtulak nya sa akin ha! I can sue him for that! "Primson?" I heard three knocks on my door pero imbis na pagbuksan si Mommy ay inis na itinalukbong ko ang kumot sa aking katawan. This is her fault! Maayos na ang buhay ko dati at ngayon ay nagugulo nanaman dahil sa kagagawan nya. "Primson, Levi's here and he wanted to talk to you." Bagaman medyo mahina ay hindi nakaligtas sa aking pantinig ang sinabi nyang iyon. Mabilis akong napabalikwas ng bangon at nagtatanong ang mga tingin na nilingon ang pinto. What in the hell does he want this time? Hindi pa ba sapat ang pinaggagagawa nya sa akin the last time kaya he's here to add more salt to the wound? "Primson?" muling pagtawag nya. Rinig ang kawalan ng pasensya sa ilang ulit nyang muling pagkatok. "Open the door, hija." "Tell him to fvck himself, Mom!" Puno ng inis na sigaw ko saka pabagsak na muling inihiga ang sarili sa kama. Pakiramdam ko ay lalabas ang usok sa ilong ko habang inaalala ang itsura nya noong araw na iyon. He's merciless. Hindi ko alam kung bakit may nagkakagusto pa sa kanya! Rinig ko ang pagtunog ng pinto kaya naman mabilis kong iginawi ang aking atensyon sa kanang bahagi ng silid. "Mom, please," hindi ko naiwasan ang iritableng tono ng pananalita, "I don't wanna talk to him again." "Is this how you work?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig matapos makarinig ng baratinong boses. Ilang ulit kong ikinurap ang aking mga mata habang paulit-ulit na kinikilala ng isip ko ang nagmamay-ari non. Am I day dreaming? Tignan mo nga naman! Dahil sa sobrang bwisit ko sa kanya ay napapanaginipan ko na rin sya! Fvck him! "Ms. Madrid, being my secretary, you should know—" but before he can even utter another word, I shouted at the top my lungs almost breaking all my veins on my neck and my vocal cards after realizing his presence inside my room. "Didn't someone teach you how to knock?!" Inis na sigaw ko nang makabangon. Nakapikit, halos magsuntuntukan ang mga kilay nya na tinakpan ang kaliwang tainga sa pinaka-eleganteng paraan tanda na ito ay naiingay pero anong pakialam ko?! He's in my freaking room and I am fvcking naked underneath the sheet! "What are you doing here?!" Itinaas ko ang kumot hanggang sa aking dibdib dahilan para mangunot ang napakakinis nyang noo. Nanlalaki ang mga matang pinakatitigan ko sya. "You are not my type." What the actual fudge? Ipinaikot nito ang kanyang mga mata saka tumikhim upang muling magsalita. "I am here to remind you that your first day of working as my secretary starts now because unfortunately, it seems that you forgot—" "—I am not working!" At kailan pa ako nagtrabaho sa kanya? The last time I check, he turned me down. "What are you doing here?!" "Are you subscribe to unli questions? Or are you just plain stupid?" Pakiramdam ko ay parang mga alon sa dagat ang mga tanong nyang iyon. Mahinahon at mapanakit kapag naglaon. Damn it. He just really don't have a break on his mouth ha? Talagang kapag naisip nya ay sasabihin nya? Does he even know he's hurting someone or talagang sarili nya lang ang iniisip nya?! "Plain what?!" Hindi makapaniwalang nagbuga ako ng malalim na hininga. Kung hindi lang ako nakahubad ay baka naibato ko na sa kanya lahat ng nakapatong sa night table ko dahil sa inis. "I hired you as my secretary—" "—at sinong nagsabi na tinatanggap ko ang trabaho na iyon ha?" "You," tugon nya saka itinaas ang isang kilay nya at ipinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib. "Ang kapal ng mukha mo," sarkastiko akong tumawa, "isa pa, wala akong natatanggap na email na nahired ako!" Pinanuod ko syang dukutin ang cellphone sa bulsa ng suit na kanyang suot saka nagtipa ng ilang letra. Agad na pinagkunutan ako ng noo nang bigla ay tumunog ang cellphone ko. Aligaga kong hinawakan ang kumot gamit ang isang kamay saka ipinang-abot naman ang isa sa night table ko. Hired. Iyon lang ang laman ng mensahe at wala nang iba pa. Marahas na suminghal ako saka pailalim na tinignan sya. He gave me this questioning look of his at ngayon ko lang napansin ha?! He's looking at me straight into my eyes! I can still see the same pain I had seen a year ago pero nakakapagtaka lang na hindi na ganoon kagrabe ang lungkot na iyon like it was also drowning you with the pain. "At saan mo naman nakuha ang number ko?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko. "Atsaka hired lang? Wala ka man lang kaeffort-effort na ayusin ang paghahired mo ng tao?" Umarko ang kanang labi ko paitaas sa pagkadismaya. Pinanuod ko syang maupo sa silyang naroon sa paanan ng aking kama. Ipinagkrus nito ang mga binti saka ipinatong ang mga kamay sa parehong arm rest noon. Para syang si Sherlock ngayon na nagsosolve ng isang kaso. "First question, your mom," aniya nang wala sa akin ang paningin. "Second, ano ka? Gold? Stop asking more than just the bare minimum, Ms. Madrid, because I am not your love. I am your boss." "Boss, my ass. And who the hell wants to be your lover? That Clara? Duh? Maski sya ay hindi na gugutustuhin na makilala ka pa, ano!" At pakiramdam ko ay gusto kong lamunin nanaman ng lupa nang maisip na nagkamali nanaman ako ng binitawang salita dahil sa isang iglap, ang kaninang maingay nyang mga tingin ay unti-unti nanamang bumalik sa pagiging blanko. Nagtiim ang kanyang bagang saka nakakuyom ang mga palad na ilang ulit na huminga. I wanted to apologize but it was too late when he stood up saka unti-unting naglakad patungo sa kama. Ramdam ko ang pagpipigil ng aking hininga nang bigla ay yumuko sya sa aking tainga. I can feel every breath his taking at pakiramdam ko ay kinukuha nya rin ang hangin na mayroon ako ngayon. Gosh! His scent! His scent is my new favorite! "I have to keep an eye of you, Ms. Madrid. I won't give you a chance to ruin every chances I have again," mariing aniya, "you wanted hell? I'll give it to you." It wasn't just a warning but an assurance na talagang pagsisisihan ko ang ginawa ko sa kanya. Ano bang problema nya? Wala namang lumabas na news tungkol sa nangyaring iyon! Paniguradong binayaran nya ang media! Humugot ako ng hininga saka inipon ang lahat ng lakas ko sa kaliwang kamay para itulak sya papalayo sa akin. "Wala akong paki! Lumabas ka nga!" "Not until—" "Not until you saw me naked ha?" I tease him. Agad-agad na nakita ko ang pagdilim nanaman ng kanyang awra pero imbis na pansinin iyon ay lumuhod ako sa kama habang hawak ang kumot sa aking bandang dibdib. I bite my lower lip and look intently at him. "Do you really want to the me naked, Levi?" "It's Mr. Lopez and like the first time, I am not interested. Hindi ka gold," he immediately turned his back at me. Akala ko nga aalis na sya nang hawakan ang seradura ng pinto pero pinanuod ko itong pumihit paharap sa akin. "One more thing." I gave him a seductive smile and bit the tip of my index finger while he's looking at me and the white blanket on my body. "Mukha kang lumpia na malapit nang mapanis," aniya at tuluyang lumabas ng silid. Did he just insulted me inside my room?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD