Chapter 2

1328 Words
"So when can I start?" Humigop ako ng tea habang nakatingin sa namimilog na mata ni Mommy. Levi Lopez is sitting across our table pero hindi man lang nagbabago ang paraan ng pagtingin nya sa gawi ko. His emotionless face and lonely eyes is still fixated at the magazine on my lap as if that thing will give him answer to whatever he's thinking. "Are you sure you want this, Primson?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy. Of course, it is shocking for her. For a year, paulit-ulit ba naman nilang sinasabi na I should take over the company para naman kahit papaano ay maging abala ang isip ko sa ibang bagay but everytime they told me that, I am avoiding the idea and now, all of a sudden ay gugustuhin kong magtrabaho para sa iba? Tumango ako nang hindi inaalis ang paningin kay Levi. "So, Levi," hindi makapaniwalang itinuon ni Mom ang atensyon sa binatang kaharap, "my daughter seems so excited to work for you," nakangiti nyang saad. Hindi man lang ako nilingon ni Levi. He's avoiding every eye contact I am doing and that's making everything more exciting for me. Nagawi ang paningin kong muli sa painting nang bigla ay matigilan sya. I can feel the tension building up as Levi's forehead creased in disbelief. "Excuse me," paalam nya kay Mom saka tumato. Panay ang paglingon nya sa gawi ng pintuan habang tinatahak ang daan patungo sa kinaroroon ng painting. Nang mahawakan iyon ay agad nya iyong inayos ng pagkakatayo. Napangiwi ako sa nasaksihan. He's a perfectionist or more like, he wanted everything to be perfect for that girl na maski ang nakatabingi nong pagkakaayos doon ay tila ba makakasira ng ngiti sa babaeng iyon. What a clown. If I didn't know better, iisipin ko na he's inlove with that girl when infact she's just one of those girl na paniguradong pinaglalaruan nya lang. "What are you smiling?" Mom gently taps my shoulder saka ako pinagtaas ng parehong kilay. Nagkibit-balikat ako at muling itinuon ang atensyon sa lalaking naglalakad pabalik sa gawi namin. I now remember the girl on that painting. Clara. Her name is Clara Romero. Isang sikat na modelo at sa pagkakaalala ko, he's engage to a man named Third. Their engagement last year made headlines. She's really lucky to find Third who loves every part of her at malas naman nitong si Levi Lopez dahil may lalaking nauna na sa kanya. What Levi's reason about him keeping a painting of her is a mystery for me and that.... I will resolve. "Can I talk to you her for a second?" Tanong nya nang makabalik sa upuan. Agad akong nilingon ni Mom saka nagtatanong ang mga tinging pinakatitigan ako. It's not a question of me being left with a man but a question of trust; kung maipapahiya ko nga ba si Mommy sa lalaking ito sa oras na kami na lamang dalawa ang magkasama o ano. My lips curve giving my mom an assuring smile. "Of course," mababakas ang pag-aalinlangan sa kanyang pananalita saka tumayo, "I'll leave you two to talk. Primson," Behave. Mom mouthed and stood up. Pinanuod namin itong lumabas ng opisina. Ramdam ko ang namunuong excitement sa aking dibdib nang lingunin ko ang gawi ni Levi Lopez ngunit tulad kanina ay lumampas ang mga tingin nya sa akin. This man really love playing hard-to-get. "How are you?" I asked. Ipinagkrus ko ang mga binti saka nakangiting pinakatitigan sya but Levi stayed silent habang nakatitig sa blankong espasyo ng kanyang opisina as if he's trying to recall a memory of someone there. "Clara," hindi ko alam kung papaanong bigla ay natigilan sya nang marinig ang pangalan na iyon, "she's that girl on your painting, right? You're a fan?" I laugh but he remained silent. "She's a good model. Everyone praise her and envy her for finding a man named Third. You did know she's engage, right? Why keep a painting of her when you know you don't stand—" "You are not qualified to be a secretary," seryoso, walang kagatol-gatol na putol nya sa akin saka tumayo at naglakad patungo sa kanyang lamesa. Nagtatakang pinanuod kong magbago ang ekspresyon nya. Mas malamig pa yata sya ngayon kaysa sa aircon ng opisina na ito. "What do you mean—" "First of all, you talk too damn much. Second, look at how you dressed," aniya na naroon na sa labas ang paningin habang sumisimsim ng brandy. Really? Ganito talaga kaaga? Magkakrus ang braso, nakataas ang isang kilay na suminghal ako. Gusto kong batuhin ang likuran nya para lamang lingunin ako pero alam ko na kapag ginawa ko iyon ay madadamay talaga ang credit card na iniingatan ko. "Secretaries are supposed to be decent, respected and—" "—baduy just like your old one?" Tanong ko. Umarko ang isang sulok ng aking labi nang makita syang muli na matigilan. Ang parehong blankong mukha nya noon at ngayon ay mas naging blanko pa. Tila ba isang walang buhay na tao, dahan-dahan nyang ipinihit ang katawan upang salubungin ang mga mata kong halos magdiwang nang tignan nya ako diretso sa mga mata. Marahan akong tumayo. Tinungo ko ang estante kung nasaan may nakapatong na litrato nya at ng isang babae saka hinaplos iyon. "Mr. Lopez, secretaries are supposed to be sexy and hot. They are your image and someone who will talk to every possible investors you have, so being baduy is a thing on secretaries. Your old one looks like an old lady who—" "Leave." Ramdam ko ang kakaibang galit at lungkot nang bigla ay hablutin nya ang larawan sa akin. Ramdam ko ang pagkapahiya. Nagpakawala ako ng pilit na tawa saka hinawi ang buhok ko patungo sa likod ng aking tainga. Mas dumilim ang kanyang awra at pakiramdam ko ilang minuto lamang ay mangangain na sya ng tao. Tumikhim ako at lumakad patungo sa vase na malapit. "Mr. Lopez, I—" "Who are you to talk about her when you're are...." Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa. Malanding ipinagkrus ko ang mga braso sa dibdib saka binigyan sya ng mapang-akit na ngiti. My charm works. Every damn time. "Nothing. Without your father's surname, you are nothing but a trash." Pakiramdam ko ay huminto ang mundo ko dahil sa binitawan nyang salita. Kinapos ako ng hininga at ramdam ang paulit-ulit na pagdamba sa aking dibdib. I am nothing. Iyon na yata ang pinakamasakit na insultong natanggap ko sa buong buhay ko. Isang basura. Pabagsak na inilagay ko sa magkabilaang gilid ang aking mga kamay. Ikinuyom ko ang palad sa laylayan ng dress na suot at buong tapang na humigop ng hangin. "You pretend as if your stronger and bolder just to dominate everyone but infact, you are just a weakling pretending to be one," Levi continued. I can no longer see sympathy on his eyes. Kinagat ko ang pang-ibabang labi upang mapigilan lamang ang pagtulo ng aking mga luha. He's slapping reality to my face and all I can do is swallow every word he said. Gustuhin ko man na ipagtanggol ang sarili ko, I cannot find the courage to speak. Para nya akong ibinilanggo sa mga salitang binibitawan. He chained me by his words and kept the key. "Everyone must've been regretting loving you now," he added at tuluyan akong tinalikuran. Mabilis kong pinahid ang luhang pumatak. Ang mga huling kataga na iyon ay parang sirang plaka na nagpa-ulit-ulit sa aking tainga. Yeah, they did. Everyone did. Magsasalita pa lamang sana ako nang tuluyang bumukas ang pinto at pumasok roon ang babaeng kanina ay nag-assist sa amin. "Escort Ms. Madrid out." Levi Lopez said without looking at me. Ngunit hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ng babae. Mabilis kong dinampot ang aking bag at nagmartsa palabas ng office na iyon. Damn that man! Damn his mouth! Wala ba syang preno o wala lang talaga syang puso?! Levi Lopez, I swear you'll regret this. Hinding-hindi kita titigilan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD