Episode 9 Ann Liza Montesclaros SURELY, being drown in the water is not the best experienced we can ever had. Ang huling naalala ko na lang ay may dalawang braso ang humila sa akin pataas bago ako mawalan ng malay. Nagising na lang ako na may lumalabas na tubig sa bibig ko. Para bang may naalis na nakabara sa hingahan ko. The next thing is I saw myself crying. Hindi ko akalain na mangyayari sa akin ito. Pinapatahan naman ako ni Berly at saka ni Jadine. "Bakla naman kasi, ang lalim ng suong mo! Mabuti at nailigtas ka ni papa Zero," sabi sa akin ni Jadine. "Hindi ko naman alam na pupulikatin ako roon." Tiningnan ko naman ng masama si Zero. Nag-iwas naman siya ng tingin. Kasalanan niya ito e! Choice naman sana niya na iligtas pa lang ako nang una e. Pero hindi, he chose to watch me s

