Episode 14 Ann Liza Montesclaros PAUWI na kami ngayon ni Berly. Sinundo na kami ni Onyok na nagtataka kung bakit kami naparito, sinabi naman namin nitong babaeng kasama ko 'yung imbento na palusot ko. Wala na siguro kasi akong mahaharap na mukha kapag nalaman nilang alila ako ng Zero na iyon. Just imagine how shameful it is on my part! "Buti naman at pauwi na tayo, nakakapagod naman pala itong ganap natin, ni hindi pa kita natulungan dahil naghiwalay na tayong ng landas, bakit ba kasi ako nadala sa kusina? Pero in fainess! Daming chismosa roon! Ang dami ko rin naman na nasagap," sabi niya sa akin habang nasa loob kami ng sasakyan. Hindi naman kami siguro dinig ni Onyok. Napangiwi naman ako. "Huwag mo na lang kaya akong samahan next time? Mapapagod ka lang doon. Your purpose is to help

