"Bitawan mo ako Harry! Nasasaktan ako!" sigaw ni Janine. Habang nagpupumiglas. "Pakawalan mo ngayon din si Natasha, kung ayaw mong ikaw ang ihagis ko sa mga buwaya ni mommy!" "No! Ayoko!" sigaw niya. Umatras siya at sinubukang akong takasan. Pero hinawakan siya ng aking mga tauhan. At hinarap sa akin. "Huli ka na, patay na siya Harry, kinain na nang mga buwaya! Umalis ka na rito! Walang Natasha dahil pinatay ko na siya!" "Akala ko ba gusto mo pang mabuhay Janine, baka nakalimutan mong binabalaan na kita noon pa, na huwag na huwag mong pakialaman si Natasha. Pero ginagawa mo pa rin, alam mo bang kaya kitang patayin para lang kay Natasha?!" "Ang kapal ng mukha mo Harry! Pagkatapos mong makuha nang paulit-ulit ang katawan ko, ay ganiyan ang sasabihin mo sa akin? Mas mahalaga pa sa '

