"Ma,am, babae ka 'di ba? I'm sure na meron kang anak na babae. Papayag ka bang ipapahiya ang anak mo sa buong mundo? Porket mabango ang pangalan namin ay meron na kayong karapatang ipahiya kami sa buong mundo?" turan ng ama ko, habang nanginginig ang boses niya sa galit, hindi niya pa rin hinayaang makita ako ng mga reporter. Hinubad niya ang kaniyang tuxedo at tinakip niya sa akin upang hindi ako makita ng lahat. Nang umalis na ang mga reporter ay nagulat kami nang may babaeng pumasok sa simbahan at lumapit sa amin ni daddy. Natulala ako nang napagtanto ko, kung sino ang babaeng iyon. Tinitigan ko si daddy, tulad ko ay hindi na rin siya nagsasalita, at nanatiling nakatayo lang na parang nakatirik na kandila. "Daddy, si mommy." wika ko. "Anak, halika na, kailangang lumabas na tayo rito."

