"Labas!" sigaw niya. Lumabas na ako ng kotse paglabas ko ay pinaharurot agad ni Harry ang sasakyan niya. "Hayop ka Harry!" tumulo na ang aking sa luha sa sobrang galit. Humagulgol na lang ako ng iyak, dahil sa sobrang sikip ng didbdib ko. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan, basta ang alam ko ay galit na galit ako kay Harry, lalong-lalo na kay Cassandra, dahil siya ang pumatay kay daddy. Pero nagulat ako nang meron sasakyang huminto sa tabi ng kalsada. Maraming mga armadong lalaking lumabas at sapilitang nila akong kinaladkad. Nagpupumiglas ako, at sumigaw pero meron nakatutok na baril sa aking ulo meron silang tinakip sa aking ilong, kaya nawalan na ako ng ulirat, wala na akong alam kung ano ang nangyayari sa aking paligid. Paggising ko ay nagulat akong sobrang dilim ng paligid

