"Harry, bakit nandito ka? Magkakilala ba kayo ni Natasha?" "Sebastian, si mommy na ang may-ari ng company, nandito kami para sa gagawing voting, dahil ako na raw ang umupong CEO kaya nandito ako. Ikaw naligaw ka yata rito?" "Ang totoo niyan, gustong-gusto kong makita si Natasha, actually magkasama kaming dalawa ng kapatid kong si Crizel ang fiancee mo, alam mo namang ang kapatid ko excited na makita ka. Dinaan ko siya sa inyo. Tapos diretso na ako rito." nakangiting wika ni Sebastian. "Nandito ako Harry dahil ako ang may-ari ng company , at ikaw anong ginagawa mo rito? Nandito ka ba para samahan ang mommy mong magnakaw sa mga pag-aari ko? Mag-ina talaga kayo, parehong kulay ang meron kayo!" lumaki ang mga mata ni Harry at bumaling siya kay Sebastian. "Mauna ka na Sebastian, meron lan

